^

PSN Showbiz

Hindi lang pagdi-direk ang gustong gawin, Jericho gusto na ring maging producer

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Excited na rin si Jericho Rosales sa bagong teleseryeng pagsasamahan nila ni Piolo Pascual, ang Padre de Pamilya. Masaya si Jericho sa kanilang proyekto dahil kasama rin nila ang hari ng drama na si Christopher de Leon.

“I am just very excited. Matagal ko nang pa­nga­rap na makasama si Pareng Piolo, so ngayon natupad. Hiniling ko nga sa pelikula eh pero ngayon magkasama na kami ’tapos kasama pa namin si Sir Boyet de Leon so heto na, halika na, rock and roll na,” nakangiting pahayag ni Jericho.

Ayon sa aktor, ibang-iba ang kanyang gagawin para sa nasabing serye.

“Well, doon sa soap namin kasi hindi lang siya basta na masasabi mo na goody two shoes. Nag-mature na ’yung characters na ipo-portray ko katulad sa Green Rose. Iba na ’yung ginagampanan ko, hindi na lang siya laging mabait. Mabait pa rin siya pero mas challenging ’yung mga eksena kasi ipapakita ’yung tunay na emosyon, ’yung talagang nangyayari sa isang tao.

“Ipapakita mo ’yung kung ano ’yung nagpapabagsak sa isang tao, nagpapaangat sa kanya. Kung paano siya aangat, pagkatapos ng lagpak niya ’di ba? Talagang excited ako kasi ’di lang siya ’yung laging mabait. Ito ibang klase na hindi ko pa nagagawa,” paliwanag ni Echo.

Hindi rin dapat pagkumpetensiyahin silang dalawa ni Piolo dahil meron naman silang kanya-kanyang talento. Samantala, pinaplano na rin ni Jericho na mag-produce o mag-direct ng isang pelikula at maranasan ang trabaho sa likod ng kamera.

Vhong panay ang pasasalamat kay Lord

Malaki ang pasasalamat ni Vhong Navarro dahil naging matagumpay siya sa lahat ng kanyang proyekto sa nakaraang taon.

“Sobrang thankful kay Lord at sa ABS-CBN kasi hanggang ngayon nagtitiwala pa rin sila sa akin. Ang laki ng respeto ko sa kanila,” bungad ni Vhong.

Para kay Vhong ay ang pagkakaroon niya ng bagong sitcom na Toda Max ang pinakamalaking nangyari sa 2011.

“’Yun ’yung pagbabalik sitcom ng Kapamilya Network. Bukod sa nakasama ko ulit ang aking idol na si Robin Padilla, sa wakas ay nakatrabaho ko rin si Angel (Locsin) na alam naman nating isang magaling na dramatic actress pero napasabak na rin ngayon sa comedy. Sana nga tuluy-tuloy na ang pagbabalik sitcom sa ating network,” sabi ng comedian-dancer-TV host.

Katatapos lang mag-celebrate ng aktor ng kanyang birthday sa Showtime at may wish siya para sa mga nasalanta ng bagyong Sendong.

“Sana maging maganda ang taong 2012. Hindi lang para sa akin ito, para sa lahat ng nasalanta. Sana harapin nating lahat ang pagsubok at hindi namin kayo pababayaan. Kami naman ditong mga Showtime hosts, mapawaley, mapahavey, patuloy namin kayong paliligayahin,” giit pa ng actor. — Reports from JAMES C. CANTOS

GREEN ROSE

JERICHO ROSALES

PARENG PIOLO

PIOLO PASCUAL

RIN

ROBIN PADILLA

SANA

VHONG

YUNG

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with