_ngayon
^

Angel napapayag na ang tatay na mag-abroad!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda () - December 16, 2011 - 12:00am

Sa kauna-unahang pagkakataon ay magtatambal sa isang pelikula sina John Lloyd Cruz at Angel Locsin, ang Unofficially Yours mula sa Star Cinema.

Nagsyu-shooting na ang dalawa para sa nasabing proyekto. Matatandaang sa teleseryeng Imortal huling nagkasama ang dalawa. Medyo naninibago si Angel ngayon dahil ibang-iba ang tema ng kanilang pelikulang ginagawa ni John Lloyd.

“May paninibago kasi mas kabisado ko siya (John Lloyd) as Matteo sa Imortal kasi rito iba. Ang cute ng character dito ni Lloydie, kakaiba na aabangan ng mga tao kung paano niya ginawa ’yung character niya. Sa akin din iba character ko rito, kaya ’yung rhythm and timing, galing pa rin,” pahayag ni Angel.

“Kakaibang experience na naman bukod sa panibagong character namin dito ni Lloydie, iba ’yung makagawa ka ng ganitong genre na ganito, very real. Hindi siya ’yung very heavy drama or nag-transform ka, sinasabit ka sa mga puno at kung saan-saan, mas real siya.”

Nagkakasama o nagkakausap kaya sina Angel at John Lloyd noong nagtapos ang kanilang serye? “Hindi naman kami nagkikita pero okay naman kami. Kamustahan ganun, hindi kami nakakalabas pero kapag trabaho kami hindi naman nawala ’yung paano kami,” giit ni Angel.

Samantala, pinaplano ng dalaga na makapagbakasyon sa ibang bansa kasama ang kanyang pamilya ngayong Kapaskuhan.

“Every Christmas talaga sa bahay kami pero gusto ko sana after. Never pa kasi kami nag-out of the country kasi hassle sa tatay ko pero may sinabi ako sa kanyang lugar, tsinika-tsika ko, mukhang nagustuhan naman niya. Sana matuloy kasi never pa kami na grupo ng pamilya na lumabas,” kuwento pa ng aktres.

Xian hindi na pinipigil ang nararamdaman kay Kim

Mas lumalalim na ngayon ang pagkakaibigan nina Kim Chiu at Xian Lim. Patok na patok ang kanilang tambalan sa teleseryeng My Binondo Girl kaya naman mas pinagbubuti ni Xian ang kanyang trabaho.

“We’re just enjoying every single moment that we have with each other. We feel very comfortable with each other and masaya lang. I look forward going to the set every single day. Seeing her and doing scenes with her,” pagtatapat ni Xian.

Aminado rin ang binata na meron talaga siyang espesyal na nararamdaman para sa young actress. “Siyempre hindi naman puwedeng pigilin ang nararam­daman ng puso. Kapag nangyari ’yan, mang­yayari ’yan. Basta walang pigilan ng nararamdaman. Ang nararamdaman ng puso ko ngayon, masaya at inspired,” pahayag ni Xian.

Isang espesyal na regalo rin ang nakatakdang ibigay ni Xian kay Kim ngayong Pasko pero sikreto pa sa ngayon kung ano ito. — Reports from JAMES C. CANTOS

ANGEL LOCSIN EVERY CHRISTMAS IMORTAL JOHN LLOYD JOHN LLOYD CRUZ KAMI KIM CHIU LLOYDIE XIAN
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with