Claudine hindi ininda ang 'hiwalayan' nila ni Raymart
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio () - November 11, 2011 - 12:00am

PIK : Excited si Maggie Wilson sa pagkukuwento tungkol sa kanyang pagbubuntis.

Pagkalipas ng pitong buwang kasal nila ni Victor Consunji, nabuntis na ito masayang-masaya nga raw silang mag-asawa.

Limang buwan na ang kanyang ipinagbubuntis at hirap nga raw siya sa paglilihi.

Pero ngayon ay medyo okay na raw siya at ang bago raw niyang pinaglihian ay cupcakes.

Ayaw naman sabihin ni Maggie Wilson ang kasarian ng baby para meron pa raw siyang iniri-reserve para sa kanilang mag-asawa.

PAK : Katatapos lang ng taping ng Iglot at kapansin-pansin na back to normal na raw si Claudine Barretto.

Ilang araw lang ang dumaan pagkatapos ng insidente sa bangko at pumutok ang isyung hiwalay na sila ni Raymart Santiago, bumalik na sa taping si Claudine at masayang-masaya naman daw ito na parang wala lang nangyari.

BOOM : Pinaghahandaan na raw ni Iwa Moto ang pagsasalita niya sa publiko tungkol sa mga balak nito sa kanyang pagbabalik galing Japan.

Kararating lang niya, napasubo agad siya sa gulo na kinasangkutan ng da­ting boyfriend niyang si Mickey Ablan.

Marami lang daw siyang aayusin bago siya magsalita, pero nakikipag-usap muna ito sa kanyang abogado.

May kinalaman kaya ito sa matagal nang isyung kasal nila ni Mickey?

Annulment na kaya ang inaayos niya para tuluyan na silang magkahiwalay at matapos na ang isyu nilang dalawa?       

Wala pang sinasagot si Iwa, pero sa pagsasalita raw nito, sasabihin na raw niya ang lahat at wala na raw siyang itatago.

AYAW CLAUDINE CLAUDINE BARRETTO IWA MOTO MAGGIE WILSON MICKEY ABLAN RAW RAYMART SANTIAGO VICTOR CONSUNJI
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with