^

PSN Showbiz

Kitchen Musical mamimigay ng appliances

-

MANILA, Philippines - Pasok na pasok talaga sa panlasa ng Pinoy viewers ang kakaibang timpla ng drama, musika, sayaw at nakakatakam na mga putaheng handog ng pinakaunang pan-Asian TV musical drama series na The Kitchen Musical matapos itong maging usap-usapan simula ng ilunsad ito noong Oct. 2 at nag-trend pa sa Twitter Philippines sa parehong araw.

Kaya naman bilang pasasalamat sa mga Pinoy, unang dadalhin ng producers nito na The Group Entertainment sa Pilipinas sina Maddie, Daniel, at iba pang cast ng multi-million dollar franchise ngayong Linggo (Nov. 6) sa Market Market activity center. Magbubukas ang gates ng 11:00 a.m. at magsisimula ang programa sa ganap na 2:00 p.m. Libre ang pumasok at manood.

Samahan ang Pinoy prides na sina Karylle, Christian Bautista, Arthur Acuna, Thou Reyes, at Ikey Canoy sa isang hapon ng saya, masarap na pagkain, musika, at papremyo.

Bukod sa pagkakataong makita ang TKM stars, may pagkakataon din ang mga dadalo na masubukan ang kanilang husay sa pagluluto sa pamamagitan ng isang cook off challenge. Maari rin silang manalo ng kitchen appliances sa raffle na gagawin kada isang oras.

Makakasilip rin sila sa mga eksklusibong mga kaganapan sa likod ng kusina ng Avilon restaurant.

Isang orihinal na likha ng The Group Entertainment, ang The Kitchen Musical ay 13 na one-hour episodes na nakasentro sa mundo ng pagluluto.

Ito ay kuwento ng isang mayamang dalaga na kakalabas lamang ng culinary school sa Paris at magtatrabaho sa the Avilon, ang restaurant ng kanyang ama. Dito kailangan niyang patunayan ang sarili niya lalo na sa executive chef na mababa ang kumpiyansa sa kanya.

ARTHUR ACUNA

AVILON

CHRISTIAN BAUTISTA

GROUP ENTERTAINMENT

IKEY CANOY

KITCHEN MUSICAL

MARKET MARKET

PINOY

THOU REYES

TWITTER PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with