Maja papasok sa teritoryo ni Kim
() - September 30, 2011 - 12:00am

MANILA, Philippines - Covergirl ngayon ng isang sikat na magazine ang bida ng My Binondo Girl na si Kim Chiu!

Ibinahagi ni Kim sa October 2011 issue ng Chalk Magazine ang kanyang kakaibang karanasan sa pag-arte sa My Binondo Girl kung saan sabay niyang ginagampanan ang role ng bidang dalagang si Jade Dimaguiba na nagpapanggap bilang si Yuan Sy.

Sa mainit na pagsuporta ng mga manonood sa My Binondo Girl, masaya si Kim dahil sulit ang lahat ng paghahanda niya para sa show, kabilang na ang pagpalit-anyo niya bilang lalake. “I’m so happy that people appreciate the show and they accept me as I am.”

Ayon kay Kim, umaabot ng halos isang oras ang pagta-transform niya bilang Yuan—30 minutes para lang sa paglalagay ng bigote at dagdag na 30 minutes pa para sa kanyang boy wig.

Ikinuwento rin ng Primetime Princess sa artikulo na kapag nakadamit Yuan siya, pansin niyang mas relax ang paligid. “When I’m a guy, people are more at ease with me. Lahat sila okay sa akin. And we share the same dressing room because we’re all guys. We’ve all become closer.”   

Mapanatili kaya ang ‘closeness’ na ito sa set ng My Binondo Girl ngayong napapabalitang may bagong babaeng papasok sa kuwento nina Jade, Onyx (Jolo Revilla), Trevor (Matteo Guidicelli) at Andy (Xian Lim)?

Yes papasok si Maja Salvador sa programang pinagbibidahan ni Kim na napapanood pagkatapos ng 100 Days to Heaven sa ABS-CBN. 

CHALK MAGAZINE JADE DIMAGUIBA JOLO REVILLA KIM CHIU MAJA SALVADOR MATTEO GUIDICELLI MY BINONDO GIRL PRIMETIME PRINCESS WHEN I
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with