_ngayon
^

PSN Showbiz

Kris nag-back out sa paglangoy!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Kamakailan ay nabanggit ni Kris Aquino sa telebisyon na magsu-swimming lessons siya bilang paghahanda sa pelikulang pagsasamahan nila ni Dingdong Dantes. Ngayon ay nagkaroon ng ilang pagbabago sa plano ng Queen of All Media.

“Parang natanggal eh, dahil sa kadaldalan, ikinuwento ko na may finale na ganun. Doon sa bagong outline, nakita ko wala nang swimming,” natatawang kuwento ni Kris.

Samantala, masaya si Kris dahil matagumpay na nagtapos ang kanyang game show na The Price is Right noong Sabado.

“Thank you sa effort na ibinigay nila. Masaya ako and everybody. I think also it makes me look forward kung ano ang bagong ipapalabas namin,” pahayag ni Kris.

Excited na rin ang aktres sa pagbabalik ng Deal Or No Deal bago magtapos ang taon. “Last quarter of 2011 but it’s a new format na galing sa Europe,” deklara ni Kris.

Kathryn at Julia kabado sa premiere night

Mamayang gabi ay gaganapin na ang grand red carpet premiere ng pelikula nina Kathryn Bernardo at Julia Montes na Way Back Home sa Megamall.

Kinakabahan ang dalawa dahil ito ang kauna-unahang pelikula na ginawa nila. “Kinakabahan kami kung makakapunta ’yung mga taong na-invite namin at anong reaksiyon nila after nilang mapanood ’yung movie. Sana po makapunta kayo sa premiere night namin,” nakangiting paanyaya ni Kathryn.

“Bukas (regular showing) na po ang family drama of the year, Way Back Home, sana po suportahan ninyo kami,” sabi naman ni Julia.

John Lloyd excited na naman kay Angel

Pagkatapos magtambal sa telebisyon nina Angel Locsin at John Lloyd Cruz sa teleseryeng Imortal ay muling magtatambal ang dalawa. Ngayon ay nakatakdang magtambal sina John Lloyd at Angel sa isang pelikula sa kauna-unahang pagkakataon. Excited na ang dalawa dahil ang blockbuster director na si Direk Cathy Garcia-Molina ang gagawa ng nasabing proyekto.

“Ako kasi sinasabi ko kay Lloydie na sana magkaroon kami ng pelikula na mas light sa Imortal, ’yung hindi nagsusuntukan, kagatan, iba naman. ’Tapos si Direk Cathy pa ang direktor. Excited talaga ako,” pahayag ni Angel.

“Panibagong mundo na naman ang papasukin namin. Romantic drama, nasa ganun,” komento naman ni John Lloyd.

Ayon sa aktor, may mga fans na nalungkot noong hindi pa malaman kung sino ang kanyang makakapareha sa susunod na pelikula.

“Kung puwede lang sabay-sabay. Ako po empleyado, kung ano ang pinapagawa, ginagawa ko pero ito, finally sana i-welcome n’yo kung paano n’yo ko i-welcome doing my movie with Sarah (Geronimo), Toni (Gonzaga), Bea (Alonzo). Para sa lahat ng sumusuporta sa amin as a love team or individually, sana ma-excite kayo kung paano kami na-e-excite,” pakiusap pa ni Lloydie.   –Reports from JAMES C. CANTOS

ANGEL LOCSIN CATHY GARCIA-MOLINA DEAL OR NO DEAL DINGDONG DANTES DIREK CATHY IMORTAL JOHN LLOYD WAY BACK HOME
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with