Erik Santos tutulong sa mga may cancer
- Ni SP () - August 5, 2011 - 12:00am

MANILA, Philippines - Nasa puso talaga ng multi-platinum singing champion na si Erik Santos ang tumulong. Kaya naman sa kanyang kauna-unahang solo concert ngayong taon na pinamagatang Power Ikons (Aug. 12-13, 8:00 p.m., at the Music Museum) ay pinili niyang beneficiary ang Bosom Buddies Cancer Foundation.

Sasamahan si Erik sa stage nina Star Power grand champ Angeline Quinto, Miss Saigon-Germany actress Stephanie Reese, G-Force Dancers, at Pops Fernandez.

Ang Power Ikons ay isang pagpapakita rin na mas tumaas na ang antas ng professional artistry ng Kapamilya singer kaya maituturing na rin siyang isang “icon” sa sektor ng Original Pilipino Music (OPM). 

Produced ng Core Events at Record Breaker Events, isinulat ni Senedy Que ang concert at si Georcelle Dapat ang choreographer. Sina Homer Flores at GB Sampedro ang musical directors.

Ang cancer survivor na si Pinky Tobiano ang nasa likod ng foundation na tumutulong din sa ibang may sakit nito.

Para naman sa mga tiket, tumawag sa Ticketworld (891-9999).

ANG POWER IKONS ANGELINE QUINTO BOSOM BUDDIES CANCER FOUNDATION CORE EVENTS ERIK SANTOS G-FORCE DANCERS GEORCELLE DAPAT HOMER FLORES MISS SAIGON MUSIC MUSEUM
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with