_ngayon
^

PSN Showbiz

Maricel Soriano gustong tuluyan ng dalawang kasambahay

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK : Ang magkarelasyong sina Marco Alcaraz at Precious Lara Quigaman ang sobrang excited sa pag-graduate nila sa culinary arts sa Cuisinier Studio dahil matagal na pala nilang binabalak na magtayo ng restaurant.

Mukhang ang restaurant ang mauuna kesa sa kanilang kasal sa December 2012.

Kasama nina Marco at Lara na nag-graduate sa Cuisin­ier Studio ang ilan pang talents ni Noel Ferrer na sina Rainier Castillo, Luis Alandy, Edgar Allan Guzman at Lucky Mercado.

Six-day intensive training lang ang culinary arts nila sa ilalim ni Chef Mafe Seva.

Dapat ay kasali rin dito sina Mr. Fu at Shalala pero hindi nila ito natapos dahil hirap silang mai­singit sa kanilang schedule at hinimatay pa si Mr. Fu nang aksidenteng nahiwa nito ang daliri.

Balak ng mga bagong graduates na sila ang magluluto at magsisilbi ng cocktails sa gala night ng pelikulang Ligo Na U, Lapit na Me na entry ni Direk Erick Salud sa New Breed Category ng Cinemalaya Film Festival.

PAK : Tinitiyak ni Illac Diaz na madi-dismiss lang ang kasong Grave Oral Defamation na isinampa ni Angelica Jones laban sa kanya.

Hinihintay lang nila ang resolution na maaa­ring ibababa na sa susu­nod na buwan.

Sinampahan na rin ni Illac at ng grupo nito si Angelica ng kasong Malversation of Funds kaugnay sa naunsiyaming Bottle-School project nila sa San Pablo, Laguna.

Kaya nilang patunayang may katiwaliang ginawa si Angelica sa pondong dapat ay para sa project na ’yun.

Ayaw nang sagutin ng dating aktres ang mga pahayag na ’yun ni Illac. 

Dalawang kaso ang isinampa niya laban kay Illac at naniniwala siyang makukulong ito.

“Dalawang demanda ko pa kay Illac. I can’t give my statement. Nasa korte na ang kaso. Lawyer ko lang ang puwedeng magsalita,” sabi nito.

BOOM : Sa July 13 ang susunod na hearing ni Maricel Soriano sa reklamong idinulog ng da­lawa niyang kasambahay.

Bale ito ang pangalawang hearing nila dahil hindi sinipot ng Diamond Star ang unang hearing sa Brgy. Poblacion ng Makati City kamaka­lawa ng hapon.

Halos isang oras na naghintay sa barangay hall ang dalawang kasambahay pero walang Maricel na sumipot o nagpasabi man lang na ’di ito makakarating.

Bibigyan pa ang aktres ng dalawang hearing at kung hindi pa rin sisipot, iaakyat na ito sa piskalya.

Pursigido ang dalawang kasambahay na ituloy ang kaso kung hindi sila haharapin ni Maricel.

Gusto lang naman nilang maharap ito at kung personal na hihingi ng paumanhin sa kanila si Maricel, willing naman silang makipag-ayos.

ANGELICA JONES CINEMALAYA FILM FESTIVAL CUISINIER STUDIO DALAWANG DIAMOND STAR EDGAR ALLAN GUZMAN ILLAC MARICEL MR. FU
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with