_ngayon
^

LT miyembro na ng samahan ng mga stage mother

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio () - June 29, 2011 - 12:00am

PIK : Ini-launch nung nakaraang Linggo bilang bagong Kapamilya ta­lents ang magkapatid na Ralph at Renz Fernandez  sa ASAP.

Sa Party Pilipinas naman ay inilunsad bilang bagong Kapuso talent si Janine Gutierrez, ang 21 year-old daughter nina Monching Gutierrez at Lotlot de Leon.

Si Lorna Tolentino ang tumatayong manager ng Fernandez brothers co-managed sa Star Magic.

Si Janine naman ay si Lotlot ang manager pero tinitiyak nitong hindi siya magiging stage mother.

Si Lorna naman ay aminadong magiging miyembro na raw siya ng mga samahan ng mga stage mother.

Kahit naintindihan daw niya ang trabaho sa showbiz, hindi raw maiwasang magkaroon ng pagkakataong lalabas ang pagiging stage mother niya.

Pero mabuti na ring nandiyan ang Star Magic na magbabantay sa kanyang dalawang binata.

Ang maganda lang sa mga batang ito, lahat sila ay nakapagtapos sa pag-aaral bago nila pinasok ang pag-aartista.

PAK :  Totoo kayang nabasura ang kasong Grave Oral Defamation na isinampa ni Angelica Jones laban kay Illac Diaz?

Tinanong namin si Illac tungkol dito, pero ayaw muna niyang sagutin dahil hindi pa naman daw naibaba ang resolution.

Nakarating din daw sa kanya ang naturang balita, pero mabuting hintayin na lang daw ang desisyon ng piskalya bago siya magkomento.

Ang natitiyak lang niya ay pinaghahandaan daw niya ang kaso laban sa actress/politician.

Inaayos lang daw niya ang mga detal­ye na magpapatibay sa kaso laban kay Angelica.

Ang pagkakaalam ko, paaabutin ni Illac ang kasong ito sa Ombudsman.

BOOM : Hanggang ngayon ay wala pa ring statement mula kay Andi Eigenmann at maging sa kanyang inang si Jaclyn Jose tungkol sa isyung pagbubuntis ng young actress.

Tinanong na rin namin ang ilang mga artistang kasali sa Minsan Lang Kita Iibigin, wala rin silang masabi dahil ang pagkakaalam daw nila ay hindi naman buntis si Andi.

Pero lumalakas na ang tsismis na ito, kaya kailangang sagutin na ito ni Andi.

Sa August pa matatapos ang Minsang Lang Kita Iibigin kaya malalaman din natin kung mawawala ito bago magtapos ang naturang teleserye.

ANDI ANDI EIGENMANN ANGELICA JONES DAW GRAVE ORAL DEFAMATION ILLAC ILLAC DIAZ JACLYN JOSE STAR MAGIC
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with