TV host-actress nawalan ng dalawang pelikula sa filmfest nang pumirma ng kontrata sa ibang kumpanya
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles () - June 21, 2011 - 12:00am

Dalawang pelikulang parehong entry sa 2011 Metro Manila Film Festival ang pinakawalan ng isang TV host-actress dahil sa ibang film company siya nag-sign ng movie contract. Nakapirma na ang TVA nang malamang kasama siya sa cast ng dalawang pelikula at kinakitaan nang konting pa­ng­hihinayang dahil sa chance na magkaroon ng two entries sa filmfest.

Akala ng TV host-actress, magagawan ng paraan para kahit isa sa dalawang pelikula ay magawa niya, pero hindi papayag ang home studio niya. Mabuti na lang at maraming gagawing pelikula ang home studio niya, kaya sunud-sunod din ang movies niya, hindi nga lang pam-filmfest.  

Kris-Dingdong isisingit  lang ang Segunda mano

Nakausap namin sa announcement ng eight official entries ng Metro Manila Film Festival si Edgar Mangahas ng MJM Productions at producer ng Se­gunda Mano at Love Will Lead You Back. Ang unang pelikula ay nakapasok, samantalang ang huli ay nalaglag sa official entries.

Malungkot si Edgar na hindi napili ang Love Will Lead You Back na bida sina Judy Ann Santos at Coco Martin at ididirehe ni Jerome Pobocan, pero itutuloy pa rin nila ang pelikula at Valentine’s Day presentation na.

Bida sina Kris Aquino at Dingdong Dantes sa Se­gunda Mano na ididirehe ni Joyce Bernal at sa araw ng announcement ng official entries lang nakumpirma ang director. Hindi pa nasabi ni Edgar kung kailan sisimulan ang shooting nina Kris at Dingdong dahil parehong busy ang dalawa.

Speaking of Kris, nasa Bangkok ito para mag-shoot ng bago niyang endorsement na bawal banggitin dahil nag-sign siya ng confidentiality agreement. Basta international brand ito.

Hanggang Thursday siya sa Bangkok, kaya ang anak na si Josh, kay P-Noy muna nag-stay. Pagbalik, pupunta sa Sorsogon para sa school supplies distribution niya.

Pinaghahandaan na rin ni Kris ang live pilot telecast sa June 27, 9:30 a.m., sa ABS-CBN ng Kris TV, ang pagbabalik niya sa morning talk show after 15 years.

Eigenmann familly  active sa GMA 7

Happy si Geoff Eigenmann dahil active sa mga soap ng GMA 7 silang mga Eigenmann. Ang pinsang si Sid Lucero, ang kapatid na si Ryan Eigenmann at ang inang si Gina Alajar ay nasa Amaya at sila ni Cherie Gil ay nasa Magic Palayok.

Dahil parehong busy si Gina, hindi na uli sila madalas magkita sa bahay, pero natutuwa siya sa lakas ng impact ng karakter nitong si Lamitan at marami ang nagagalit dahil sa pang-aapi at pananakit kay Marian Rivera.

Malapit nang magtapos ang Magic Palayok  at dalawang big projects ang in-offer kay Geoff at pinag-iisipan kung ano ang tatanggapin. Ang isa’y soap at ang isa’y reality show na tila excited siyang gawin.

CHERIE GIL COCO MARTIN DAHIL DINGDONG DANTES EDGAR MANGAHAS EIGENMANN GEOFF EIGENMANN GINA ALAJAR MAGIC PALAYOK METRO MANILA FILM FESTIVAL
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with