Sam Milby idini-date si Angeline Quinto
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles () - June 20, 2011 - 12:00am

Nakita ng isa naming kaibigan si Sam Milby na nagdi-dinner sa isang restaurant sa may Scout area sa Quezon City pero hindi si KC Concepcion na leading lady niya sa Forever and a Day ang kasama kundi si Angeline Quinto.

Tumawag agad sa amin ang friend namin para itanong kung nali-link ba ang dalawa? In fairness sa kanila, hindi lang naman sina Sam at Angeline ang magkasamang nag-dinner, may iba pa silang kasama at siguro galing sa ABS-CBN.

Carla confident sa show na pambata

Disappointed siguro si Carla Abellana na hindi napiling isa sa eight official entries sa 2011 Metro Manila Film Festival (MMFF) ang Kingpin: The Asiong Salonga Story, kung saan, siya ang gumaganap na wife ni ER Ejercito. Tsinika pa naman nito kung gaano kabusisi si Direk Tikoy Aguiluz para mapaganda ang movie.

Sabagay, kung matutuloy siya sa Yesterday, Today, and Tomorrow na co-produced ng Regal Entertainment, Inc. at Studio 5, may entry pa rin siya sa filmfest. Tinatapos din niya ang My Neighbor’s Wife at pelikula muna ang haharapin ni Carla after Magic Palayok dahil September pa ang next soap niya sa GMA 7.

Sabi ni Carla, kahit light ang tema ng Magic Palayok, marami pa rin silang lesson na na-impart sa mga viewers na kanilang pinasalamatan dahil hindi sila iniwan. Mula nang mag-pilot hanggang magtatapos, mataas ang ratings nito.

“Hindi sa pagyayabang, pero hindi kami nag-worry sa ratings dahil alam naming na-capture ng show ang mga bata. Kahit nga pasukan na, pinapanood pa rin nila kami. ’Katuwa nga dahil Ate Pilar ang tawag sa akin ng mga bata,” balita ni Carla.

Derrick at Bea sikretong nagho-holding hands

Nabasa namin ang tweet ng young actor na si Derrick Monasterio na best night of his life ang June 17 dahil napanood niya ang concert ni Miley Cyrus. Pero hindi kami naniniwalang dahil lang sa concert ni Miley, kaya best ang night na ’yun sa bagets. I’m sure, malaki ang kinalaman sa nasilip ng source namin na palihim na pagho-holding hands nila ni Bea Binene. Ano ’yun, on na rin sila that night o matagal na silang may relasyon?

Nasulat na namin na noong nakaraang Valentine’s Day, binigyan ni Derrick ng flowers si Bea, nabalita ring dinadalaw niya ito sa taping ng Captain Barbell para dalhan ng pagkain. Binantayan din niya si Bea sa taping ng Good News ng GMA News TV at hindi umalis hangga’t ’di natapos kunan ang young actress.

Napapansin din ng mga taga-Tween Hearts ang special na pagtitinginan ng da­lawa, kaya sa mga susunod na episodes ng series, gagawin silang magka-love triangle ni Jake Vargas. Hindi lang kami sure kung sina Derrick at Bea rin ang gagawing magka-love team sa Tween Academy: Class of 2012.

Hindi lang sina Derrick at Bea ang nasilip ng aming source na nagho-holding hands sa concert ni Miley, pati sina Kristoffer Martin at Joyce Ching. Sige lang mga bagets, ’wag lang seseryosohin ang love life. 

Edu hindi marinigan ng reklamo

Tuloy pa rin pala this week ang Family Feud ni Edu Manzano, contrary sa mga nasusulat na hanggang last week na lang ang game show. Eh, ang tweet ng isang staff ng show, new episodes pa rin ang mapapanood this week sa game show.

Napapanood namin min­san ang Family Feud at walang duda na mahusay na game show host si Edu. Nakakaaliw ’yung episode na pati matabang braso ng matabang contestant ay hinalikan niya na ikinakilig ng contestant.

Nang makausap si Arnold Clavio, say niya ay enjoy sa Unang Hirit si Edu at hindi niya naringgang magreklamo kahit maagang nagigising para lang sa Kapuso morning show.

ANGELINE QUINTO BEA CARLA EDU FAMILY FEUD LANG MAGIC PALAYOK NIYA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with