^

PSN Showbiz

AiAi parating naka-korona!

TAKE IT! TAKE IT! - Lolit Solis -

Past 12 midnight na raw nang matapos ang taping ng coronation night ng 2010 Box-Office King & Queen na napanalunan nina AiAi delas Alas, Vic Sotto at Bong Revilla, Jr.

Fresh from US si Bong pero nakagawa siya ng paraan na makasipot sa annual event ng Guillermo Memorial Scholarship Foundation na pinamumunuan ni Mrs. Corazon Samaniego.

Ginanap ang coronation night sa RCBC Plaza Auditorium at napuno ito ng audience na nanggaling pa mula sa Bulacan, porke taal na Bulakeña si Mrs. Samaniego.

Ang coronation night ang bihirang pagkakataon na nakakapagpa-picture sa kanilang mga paboritong artista ang mga kababayan ni Mrs. Samaniego.

Successful ang event dahil dumalo ang mga awardee pero hindi pa ako sure kung kailan ito ipalalabas sa TV.

Very visible si AiAi delas Alas dahil siya ang 2010 Box-Office Queen, ang bagong mukha ng Flawless at ipalalabas sa darating na Sabado ang guesting niya sa Maalaala Mo Kaya.

Pormal na ipakikilala si AiAi bilang endorser ng Flawless. Knowing AiAi, baka may korona siya sa ulo sa presscon ng Flawless bilang reminder sa lahat na siya ang reigning Box-Office Queen.

Taon pa rin ni AiAi ang 2011 dahil magaganda at malalaking mga project ang dumarating sa kanya.

Magkakaroon din siya ng pelikula na posibleng isali sa 2011 Metro Manila Film Festival.

Alok-Bati naudlot dahil sa Mother’s Day

Darkest day ko noong Sabado dahil nawala ang aking Alok-Bati segment sa Startalk. Hindi ko na-greet ang aking mga benefactor dahil na-pre-empt ng Mother’s Day surprise ng Startalk staff para sa akin ang Alok-Bati.

In fairness, na-touch ako sa ‘surprise VTR’ ng Startalk staff pero miss na miss ko pa rin ang aking Alok-Bati portion!

Rich ayaw nang maging beauty queen

Seksing-seksi si Rich Asuncion sa cover ng May 2011 issue ng FHM. Wala nang plano si Rich na sumali sa mga beauty contest dahil naging contestant na siya noong 2009 at itinanghal na 1st runner-up.

Dahil wala na ang kanyang dream na maging beauty queen, pumayag si Rich na magkaroon ng sexy pictorial para sa FHM at proud siya sa pagsasabi na walang niretoke sa katawan niya.

Kevin sinulit ang biyahe sa Amerika

Hindi natuloy ang pinaplano na presscon ng GMA Artist Center para kay Kevin Santos dahil extended ang pagbabakasyon niya sa Amerika.

First time ni Kevin na bumiyahe sa US kaya sinusulit niya ang oras. Nagpunta si Kevin sa Amerika dahil pinanood niya ang boxing fight nina Congressman Manny Pacquiao at Sugar Shane Mosley.

Hindi lang malinaw sa akin kung treat din ni Manny ang US trip ni Kevin dahil magkasama sila sa Show Me Da Manny.

Paparazzi ililipat ng oras sa pagpasok ng Bagets

Invited ako ng TV5 sa press preview ng Bagets, ang bagong youth-oriented show na mapapanood tuwing Linggo sa timeslot na dating inookupa ng Paparazzi.

Obvious na ililipat sa ibang oras ang Paparazzi dahil sa pagpasok ng Bagets.

Isa si AJ Muhlach sa mga bida ng Bagets. Half-brother ni Aga Muhlach si AJ. Sumikat si Aga dahil sa Bagets at hopefully, makatulong din sa kanyang kapatid ang pagbibida nito sa TV adaptation ng pelikula na gumawa ng kasaysayan sa showbiz noong dekada ‘80. 

AGA MUHLACH

ALOK-BATI

AMERIKA

ARTIST CENTER

BAGETS

BOX-OFFICE QUEEN

DAHIL

KEVIN

MRS. SAMANIEGO

STARTALK

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with