^

PSN Showbiz

Finally Regine magsasalita na sa kanyang pagbubuntis

- TV UPDATE -

MANILA, Philippines - Papainit na ang panahon at ngayong Linggo sa Party Pilipinas ay mas iinit pa ang summer holiday dahil nakahanda nang magsalita ang Asia’s Songbird sa mismong show!

Malalaman na ng buong bayan ang tunay na kalagayan ni Regine Velasquez kaugnay nang madalas na pagkakahilo at pagsakit ng uli. At susuportahan siya ng asawang si Ogie Alcasid at mga kasamang sina Heart Evangelista, Rhian Ramos, Lovi Poe, Solenn Heussaff, Rochelle Pangilinan, Glaiza de Castro, Mark Herras, Rocco Nacino, Luis Alandy, Daniel Matsunaga, Hideo Muraoka, Paulo Avelino, Rachel Anne Go, Jay R, Mark Bautista, Gian Magdangal, Geoff Taylor, at siyempre ng mga matatagal na kaibigang Kyla at Janno Gibbs.

Tuloy naman ang party ng XLR8 at ang pagpapakilala ni Ogie ng kanyang regalo para sa mga kababayang nasa ibang bansa.

Abangan din ang pinakabagong segment, ang Show-Off, simula ngayong Linggo, April 10, sa GMA 7.

Kim Chiu, Enchong Dee, at Sarah Geronimo, nanguna sa 1st Barkada choice awards

Nanguna sina Kim Chiu at Enchong Dee sa listahan ng pinarangalan sa katatapos lang na 1st Barkada Choice Awards ng Studio 23 kung saan kinilala sila bilang Choice Actress at Choice Actor. Nanalo rin si Kim bilang Choice Female Icon habang si Enchong naman ay pinarangalan ding bilang Choice Breakthrough Artist.

Napatunayan naman ni Sarah Geronimo na numero uno siya sa mga Kabarkada pagdating sa Pinoy music scene nang siya ang magwagi na Choice OPM Artist of the Year habang ang kanyang leading man sa hit movie na Catch Me, I’m in Love na si Gerald Anderson naman ang nagtamo ng Choice Male Icon award.

Pagdating sa sports, panalo ang ipinagmamalaking football team na Azkals dahil sila ang nakapag-uwi ng Choice Sports Celebrity award. Ang magkapatid na player at parehong heartthrobs na sina James at Phil Younghusband ang mismong tumanggap ng parangal sa harap ng hindi magkamayaw na mga fans.

Samantala, hinirang na Choice Tweet Idol si Anne Curtis sa kanyang patuloy na pamama­yagpag sa Twitterverse. Si Robi Domingo naman ang napiling pinakapaboritong Studio 23 personality nang ginawaran siya ng Choice Kabarkada of the Year award.

Maging sa international entertainment scene ay pumili rin ang mga Kabarkada nationwide ng kanilang paborito. Wagi bilang Choice Hollywood Loveteam sina Zac Efron at Vanessa Hudgens, Choice Hollywood Star si Angelina Jolie, Choice Teen Idol si David Archuleta, Choice Music Artist si Justin Bieber, at Choice Asian Pop Band naman ang SS501.

Pinasalamatan ng international singer na si David Archuleta ang kanyang Pinoy fans sa kanyang Twitter account at nag-tweet ng ““Wow! Thank you so much Pinoy fans for the Barkada Choice Award for Teen Choice Icon!!! That is so neat!!! You guys are awesome!”

Tinukoy ang mananalo sa bawat kategorya base sa text votes. Pinangunahan nina Gretchen Fullido, Sam Concepcion, at Aaron Atayde bilang hosts.

Nagsilbi naman bilang presenters sina Jessy Mendiola, Charee Pineda, Bret Jackson, at Ivan Dorschner habang nagbigay naman ng awitin si Angeline Quinto, at dance numbers naman mula kina Fretzie Bercede at Arron Villaflor.

Ang unang Barkada Choice Awards ay inorganisa ng Studio 23 at naglalayong kilalanin ang mga local at international personalities na tumatak na sa mga manonood ng Kabarkada Network.

Tunghayan ang two-part airing nito sa Lunes at Martes (April 18 at 19), 6:30 PM, sa Studio 23.

Mula sa puso bagay kay Lauren

Pinatunayan ni Lauren Young na karapat-dapat siyang maging bida sa remake ng Mula Sa Puso. Bukod sa natural at impressive ang kanyang akting, nakipagtigasan ng galing si Lauren kasama ang mga beteranong aktres na sina Eula Valdes at Dawn Zulueta.

Malaking hamon para kay Lauren ang gampanan ang lead role bilang Via Perera sa nasabing soap. ‘‘Hindi po maiiwasan na maikumpara ako sa orihinal. Lahat po ng makakaya ko (at ng buong production staff) para mapaganda ang Mula Sa Puso ay bibigay namin. Mabilis ang takbo ng istorya at so far ay magugustuhan naman po ng lahat,’’ sabi ni Lauren.

Ipinakilala bilang isa sa Star Circle Batch 13 si Lauren — ang nakababatang kapatid ni Megan Young. Naging bahagi ng mga youth oriented show na Abt Ur Luv at naging suki sa ABS-CBN shows tulad ng Young Song Presents: Underage, Lobo, Juanita Banana at marami pang iba.

Matapos ang ilang taong paghihintay, si Lauren ang napiling bida sa MSP kasama sina Enrique Gil at JM de Guzman. Lubos ang pasasalamat ng da­laga sa malaking break na ibinigay sa kanya ng Dos.

Subaybayan ang kapana-panabik na istorya ng Mula Sa Puso, ala-sais ng gabi bago mag-TV Patrol sa ABS-CBN.

ASAP Rocks nagbabaga!

All out blazing performances ang magpapa­lagablab sa inyong linggo sa pagbubukas ng ASAP Rocks showstoppers.

Abangan ang isa na namang kamangha-manghang opening number mula sa ASAP kapamilya stars.

Showstomping Supahdance : Supahdancers versus Dance Sensations.

Sa unang pagkakataon, masasaksihan ang hottest dance off mula sa UD4’s Shaina Magdayao, Maja Salvador, Rayver Cruz at John Prats versus Dance Quad’s Empress, Jessy Mendiola, Sam Concepcion at Enchong Dee.                                 

ASAP’s Ultimate Showdancers level-up na. Isang di-malilimutang Supahdance na tatampukan nina Gary Valenciano, Vina Morales, Luis Manzano, Pokwang, Sam Milby at KC Concepcion.

Showstopping concert experience mula sa ASAP Champions, Sarah Geronimo at Gary Valenciano.

Showstopping surprises

Grand movie launch ng Star Cinema at MZet’s summer movie treat na Pak Pak, My Dr. Kwak kasama sina Bea Alonzo at Pokwang.

Birthday bash at album launch din ni Karylle.

Marami pang heart stopping moment nga­yong linggo sa ASAP Rocks Showstopping episode,12:15 ng tanghali.

BARKADA CHOICE AWARDS

CHOICE

ENCHONG DEE

LAUREN

MULA SA PUSO

NAMAN

SARAH GERONIMO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user