_ngayon
^

PSN Showbiz

Habang nakabantay ang nanay at mga kaibigan Jennylyn sa gym inilalabas ang depresyon

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK : Namataan si Jennylyn Mercado sa Mojo Gym kamakalawa ng hapon na nagti-training ng Jujitsu at grappling.

Binabantayan ito ng kanyang Mommy Lydia at ilang kaibigan.

Sa gym muna inilalabas ni Jennylyn ang sama ng loob at depression na pinagdadaanan niya ngayon.

Ayaw din muna niyang magbigay ng statement kaugnay sa break-up nila ni Dennis Trillo.

Ang isa pang ikinasama ng loob ni Jennylyn ay ang ilang naglalabas ng intrigang nagkabalikan na raw sila ni Patrick Garcia.

Pakiusap ng ilang taong malapit sa aktres, sana huwag na raw mag-imbento ng balita dahil nananahimik pa ito.

PAK: Humihingi si Angelica Jones ng public apology mula kay Illac Diaz dahil sa ginawang pambabastos at pang-aapi raw sa kanya.

Ayon kay Angelica : “Ang gusto ng provincial government is mag-public apology si Illac because public official ako, kumbaga ako ‘yung representative ng Laguna, so hindi ako ang kalaban ni Illac dito, ang government.”

Sagot naman ni Illac: “ No need to apologize personally for my behavior as i have exhibited professionalism in my project with Laguna with no interpersonal relationships ever with Angelica Jones.

“My shelter foundation will not apologize for pro­perly turning over donations and pursuing the proper liquidation of the P1.5 million put into care of the office of Angelica Jones.”

Totoo kayang naapektuhan na ang relasyon nina Illac at Julia Clarete dahil sa gulong kinasangkutan nito kay Angelica Jones?

BOOM : Sabi ni Ro­bin Padilla, ayaw niyang idamay sa kung anong love story meron ang kanyang anak na si Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

Sagot naman ni Aljur, malaki ang respeto niya kay Robin pero talagang magkaibigan lang daw sila ni Kylie.

Inamin naman niyang attracted siya kay Kylie dahil maganda raw ito at mabait. Pero ina-assure nito kay Robin na hindi raw niya lolokohin o paglalaruan si Kylie.

“Gusto ko lang sabihin na sobrang laki po talaga ng respeto ko kay Tito Robin at huwag po siyang mag-alala dahil wala po akong ginagawang masama at wala po akong masamang hangarin kahit isipin na lokohin si Kylie.

“Hindi po dumadaan sa isip ko ‘yan. Kumbaga ngayon po magkaibigan lang kami at masaya kami pag magkasama kami alam ko naman po ‘yung mga rules na sinasabi at tinuturing ko na rin na espesyal si Kylie sa akin, so ang babae po talaga hindi dapat niloloko,” deretsong pahayag ni Aljur.

                                        

ALJUR ALJUR ABRENICA ANGELICA JONES DENNIS TRILLO ILLAC ILLAC DIAZ JENNYLYN JENNYLYN MERCADO JULIA CLARETE
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with