^

PSN Showbiz

Sumunod kay Kim, Gerald Anderson naka-graduate na rin ng high school

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Noong March 10 ay isang very special event ang dinaluhan ni Kim Chiu, ang kanyang high school graduation na ginanap sa Tanghalang Balagtas ng Folk Arts Theater.

Kasama ni Kim na nag-graduate ang iba pang estudyante ng alternative learning system ng Dep­Ed sa buong Maynila.

Kasabay din dapat ni Kim na nag-graduate si Gerald Anderson pero hindi nakadalo ang aktor dahil mayroon itong shooting ng araw na iyon.

Ngayon ay sobra ang kaligayahan ang nara­ramdaman ng binata dahil nakuha na raw niya ang kanyang high school diploma. “Nag-exam ako para maka-graduate ako ng high school and sa wakas thank God, nakapasa ako and nasa akin na ang diploma ko, lahat-lahat. I’m very happy, pangarap din ng mommy ko na makatapos ako ng pag-aaral. Sana maging inspirasyon ako sa ibang tao that education is number one pa rin,” nakangiting pahayag ni Gerald.

Samantala, nagpapasalamat din ang aktor dahil hanggang ngayon ay patuloy na pinipilahan sa mga sinehan ang pelikula nila ni Sarah Geronimo na Catch Me… I’m In Love.

Mommy Pinty, nagsalita na sa box office title issue

Noong nakaraang dalawang linggo ay kumalat ang balitang si AiAi delas Alas diumano ang tatanghaling Box Office Queen ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation at nag-tie naman daw sina Vic Sotto at Bong Revilla sa Box Office King title.

Pagkatapos nito ay lumabas naman ang balitang umapela daw ang ina ni Toni Gonzaga na si Mommy Pinty sa pagkakapili kay AiAi para sa nasabing title. Si Mommy Pinty din kasi ang tumatayong talent manager ni Toni.

Nagbigay ng pahayag ang isa sa directors ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation na si Amy Samaniego Tiongco na wala pa raw sila talagang official at final results sa ngayon para sa Box-Office winners. Inamin din ni Ms. Amy na sina AiAi at Toni nga ang mahigpit na magkalaban para sa nasabing title.

Nagbigay na rin ng kanilang reaksiyon sina Toni at AiAi tungkol sa issue. Okay lang naman daw sa dalawa kung sino man ang makokoronahan bilang Box office Queen dahil magkaibigan naman daw sila. Ayon pa kay AiAi ay parang anak na rin ang turing niya kay Toni kaya walang isyu para sa kanya, ganoon din naman para kay Toni.

Ngayon ay nagsalita na rin si Mommy Pinty tungkol sa akusasyon sa kanya. Mismong siya ay nagtataka kung bakit nadawit ang kanyang pangalan tungkol sa isyu. “Kasi naintriga ako di ba? Nababanggit ‘yung pangalan ko diyan sa box office. Tinanong niya (Toni) ako tungkol doon tapos sabi niya, ‘Mommy huwag ka nang sumagot doon para hindi na humaba.’ Sa totoo lang, wala naman akong kinalaman sa Guillermo awards na iyan eh. I never called up Guillermo,” maikling pahayag ni Mommy Pinty. -Reports from JAMES C. CANTOS

AKO

AMY SAMANIEGO TIONGCO

BONG REVILLA

BOX OFFICE KING

BOX OFFICE QUEEN

CATCH ME

FOLK ARTS THEATER

GUILLERMO MENDOZA MEMORIAL SCHOLARSHIP FOUNDATION

MOMMY PINTY

TONI

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with