_ngayon
^

Maxene Magalona nagpa-pictorial na naka-panty

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio () - March 29, 2011 - 12:00am

PIK : May mga daring pictorial si Maxene Ma­galona kay Xander Angeles na gagamitin sa exhibit ng pamosong photographer.

May kuha siyang naka-panty lang at may basbas daw ito ng mommy niya.

Sinamahan pa ito ng kapatid niyang si Frank nang kinunan ang naturang pictorial.

Alam naman niyang hindi siya mababastos at nasa tamang edad na rin naman siya.

Ang isa sa proud na proud sa pictorial na ’yun ay ang non-showbiz boyfriend niyang si Neil Arce.

’Yun nga ang nasa wallpaper ng cell phone ng dyowa niya.

Okay lang muna siya sa ganun. Pero hindi pa niya kayang mag-pose sa isang men’s magazine at wala munang ganun ka-daring na eksena sa TV dahil nanonood pa ang bata niyang kapatid na sina Arkin at Clara.

PAK : Nilagare ni Angelica Jones ang pagpapa-interview sa Showbiz Central at The Buzz para pag-usapan pa rin ang isyu sa kanila ni Illac Diaz.

Lahat ng mga interviews nito ay pilit na pinapaiyak ang sarili at muling inungkat ang nakaraan nila ni Illac.

Ang pagkakaalam namin nung nakaraang linggo pa umalis patungong Myanmar si Illac kaya hindi ito makontak para sagutin ang mga pinagsasabi ng Laguna board member. 

Nung huling nakausap namin, ayaw na niyang patulan pa ang mga pinagsasabi ni Angelica dahil pilit nitong inililigaw ang tunay na isyu tungkol sa kanilang bottle school project sa Laguna na hindi pa naibigay ni Angelica ang tamang liquidations ng pe­rang ginastos sa naturang project.

Pagdating sa isyung pagkakaroon nila ng relasyon na muntik nang ikinasira ng relasyon nila ni Julia Clarete, pantasya lang ito ayon kay Illac.

“’Yung pantasya is dun lang sa panaginip. Julia and me are strong. She’s a wonderful woman and at the same time she’s very busy. She has priorities, so do I.

“We realize that it’s a destruction and the media should understand also that they’re being taken for a ride. So no amount of crying, no amount of telling stories.”

BOOM : Namataan sa Serendra sa The Fort sina Angel Locsin at Phil Younghusband na magkasamang nag-dinner sa isang restaurant doon.

Sa kotse ni Angel sumakay si Phil kahit paika-ika pa ito sa kanyang injury sa paa.

Ayon sa aming source, ilang beses na nagkikita ang dalawa, pero hanggang dating pa lang at hindi pa masasabing meron ng something romantic na namamagitan sa dalawa.

Talagang wala na ba sina Phil at Denise Oca na anak ni Melissa Mendez?

ANGEL LOCSIN ANGELICA JONES DENISE OCA ILLAC ILLAC DIAZ JULIA CLARETE MAXENE MA MELISSA MENDEZ NEIL ARCE
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with