^

PSN Showbiz

Sheryl walang pakialam kahit pang-nanay ang laging role

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Kasama si Sheryl Cruz sa teleseryeng Mga Nagbabagang Bulaklak ng TV 5. Siya ang nanay nina Arci Muñoz at Ritz Azul. Hindi naman isyu sa kanya ang pagiging nanay ng dalawa. Sa totoong buhay kasi ay may anak na si She – si Ashley na isa nang teenager.

Wala siyang project sa Siyete kaya sa Singko muna magtatrabaho kung saan magkasama sila ng kanyang auntie na si Susan Roces na nasa ibang programa naman.

Kailangan din nitong magtrabaho dahil isa siyang single mom. Ang dating asawang si Norman Bustos ay naka-base sa Amerika.

Sa kabilang banda, excited na si She sa Mga Nagbabagang Bulaklak dahil bilang si Rosal na miyembro ng sikat na dance group ay hindi ito pabor sa ambisyon ng mga anak sa takot nitong mangyari sa kanila ang masaklap na karanasan sa showbiz.

Palabas na ang drama serye sa TV 5 simula bukas ng gabi.

* * *

Naging masaya ang premiere night ng Never Say Never dahil dumalo ang mga bata at bagets na fans ni Justin Bieber. Idinaos sa Newport Cinema 3 ng Resorts World Manila noong Huwebes ang premiere night nito.

Dumalo rin ang mga sikat na batang artista ng Star Magic na ang iba ay ginaya pa ang buhok ni Justin.

Si Katherine Bernardo ng Mara Clara ay tagahanga rin ni Justin at ang batang anak ni Valerie Con­cepcion na si Fiona.

Dumalo rin ang Chairman ng Optical Media Board na si Ronnie Ricketts kasama ang magandang asawang si Mariz at dalawang anak na babae.

Palabas na ito sa March 23 mula sa Solar-United International Pictures.

PERSONAL

Maligayang 90th kaarawan sa aking mother-in-law na si Margarita (Nanay Itang) Bautista. Hangad namin na patuloy pa rin sanang bigyan ng magandang kalusugan.

ARCI MU

DUMALO

JUSTIN

JUSTIN BIEBER

KATHERINE BERNARDO

MARA CLARA

MGA NAGBABAGANG BULAKLAK

NEVER SAY NEVER

NEWPORT CINEMA

NORMAN BUSTOS

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with