Marian tuloy na sa Panday 2 dahil napagbigyan na ang mga kondisyon?
- TALONG ANONYMOUS () - March 15, 2011 - 12:00am

TRUE : Sa Australia balak ni Regine Velasquez mag-celebrate ng kanyang kaarawan sa susunod na buwan.

Holy week ’yun kaya tamang-tama na wala ring trabaho kaya doon na sila magbabakasyon dahil matagal na nila itong naipangako sa mga anak ni Ogie Alcasid.

TANONG : Tuloy na tuloy na nga ba si Marian Rivera bilang leading lady ni Sen. Bong Revilla, Jr. sa Panday 2 na entry ng GMA Films at Imus Productions para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2011?

Nung nagkaroon kasi ng story conference ay med­yo lumabo pa ang mga usapan dahil hindi sila nagkakasundo sa ilang kondisyon na hinihingi ni Marian. Pero bandang huli ay nagkaayos na rin at tinanggap na ito ni Marian dahil maganda ang role na kanyang gagampanan.

Ilan pa sa mga Kapuso stars na kasali sa Panday 2 ay sina Iza Calzado, Rhian Ramos, Aljur Abrenica, at Kris Bernal.

TOTOO KAYANG ang dating boyfriend ni Lian Paz na si Mark Herras ang isa sa kukunin nilang ninong sa pa­ngalawang baby nila ni Paolo Contis?

Hindi lang si Mark kundi pati ang current girlfriend ni Mark na si Ynna Asistio ay kukunin ding ninang, pati si Marian na dati ring girlfriend ng young actor.

Ang isa pang balak nilang kukuning ninong ay si Ogie. Sa July nila balak pabinyagan ang pangalawa nilang baby na papangalanan nilang Xalene Abriana.

TSIKA LANG : Magaling na si Jennylyn Mercado pagkatapos niyang dumaan sa tonsillectomy ilang linggo na ang nakakaraan.

Puwede na itong magsalita, pero huwag lang masyadong magdadaldal dahil kailangan pa rin nitong pangalagaan ang kanyang boses.

Tinitiyak lang kasi ni Jennylyn na dapat huwag maapektuhan ang kanyang boses dahil pinaghahandaan na nito ang kanyang birthday concert na gaganapin sa Zirkoh Morato sa Mayo.

ALJUR ABRENICA BONG REVILLA IMUS PRODUCTIONS IZA CALZADO JENNYLYN MERCADO KRIS BERNAL LIAN PAZ MARIAN RIVERA MARK HERRAS METRO MANILA FILM FESTIVAL
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with