Kasal ni Donaire sa simbahan tuloy na
- TALONG ANONYMOUS () - March 14, 2011 - 12:00am

TRUE : Kinumpirma ng The Filipino Flash Nonito Donaire na matutuloy na ang church wedding nila ng asawa niyang si Rachel sa November 11 ngayong taon. Type nila ang date na 11-11-11, kaya naka-set na raw ang araw na ‘yun.

Dito sa Pilipinas idadaos ang kasal pero ayaw pa muna nilang sabihin kung saan.

Dadalo ang buong pamilya dahil naayos na ni Nonito ang problema nito sa kanyang ama.

TANONG : Totoo nga bang nahirapang magbiyahe ang Philippine Azkals galing Japan papuntang Beijing, China?

Dahil sa nangyari sa Japan, kailangan na nilang umalis para makapaghanda na sila sa kanilang laban sa Mongolia bukas Martes.

Halos buong araw sila sa airport para makakuha ng flight. Mabuti’t natuloy din ang kanilang paglipad, kaya nag-twit na ang team captain nilang si Aly Borromeo : “Thank God we got to Narita to catch our flight to Mangolia! Traveling all day!!”

TOTOO KAYANG pinoproblema na ngayon itong stand-up comedian na nakilala sa isang reality show ng kanyang manager dahil sa lulong na lulong na ito sa drugs?

Dati ay medyo kontrolado pa itong pagdudurog ni stand-up comedian pero ngayon ay hindi na dahil sobrang nalulong na ito.

Kaya nag-iipon ngayon ang manager nito ng sapat na pera para maipasok niya sa rehab ang alaga.

TSIKA LANG : Abala na si Lorna Tolentino sa halos araw-araw na taping sa Minsan Lang Kita Iibigin, pero may panahon pa rin siya para asikasuhin ang showbiz career ng kanyang dalawang anak na sina Ralph at Renz.

Si Ralph ay mukhang kampante na sa kontrabida role na ipinamalas niya sa Buhawi Jack. Si Renz naman ay mapapasabak na rin dahil siya ang kinuhang leading man ni Kim Chiu sa isang episode ng Your Song.

Pinag-aaralan pa ni LT ang offer ng ABS-CBN 2 para sa kanyang bunso bago niya ito payagang mag-concentrate nang husto sa pag-aartista.  

ALY BORROMEO BUHAWI JACK FILIPINO FLASH NONITO DONAIRE KIM CHIU LORNA TOLENTINO MINSAN LANG KITA IIBIGIN PHILIPPINE AZKALS SI RALPH SI RENZ YOUR SONG
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with