Vic Sotto ayaw na uling mag-asawa
- TALONG ANONYMOUS () - March 13, 2011 - 12:00am

TRUE : Sa 2012 pa mai-expire ang kontrata ng Eat Bulaga sa GMA 7 pero pinapirma na sila ng panibagong kontrata nung nakaraang Biyernes para ma-extend ito hanggang 2014.

Nagpapasalamat naman ang top executives ng GMA 7 na sina Atty. Felipe Gozon at Mr. Jimmy Duavit dahil hindi raw sila nahirapang makipag-usap sa mga taga-Eat Bulaga kaya nagkapirmahan na agad ng kontrata.

Ganundin naman ang mga taga-Bulaga na malaki ang pasasalamat sa GMA 7 dahil sa magandang pagtrato sa kanila, kaya wala na raw silang balak na lumipat pa sa ibang istasyon.

Sabi ni Joey de Leon, sa patuloy na pamamayagpag ng Eat Bulaga, mas concern na raw nila ngayon ang pagbibigay ng public service sa mga manonood.

TANONG : Ano naman ang reaksiyon ni Vic Sotto sa sinasabi uli ni Dina Bonnevie na siya pa rin ang George Clooney sa kanyang buhay?

Hindi kaya sa ending ay sila pa rin ang magkakabalikan dahil ‘yun pa rin ang hiling ng kanilang mga anak na sina Danica at Oyoboy Sotto?

“Wala tayong magagawa eh. Pero hindi natin masasabi kung ano ang ibibigay sa atin ng Diyos,” sagot ni Bossing Vic.

Sa ngayon ay masaya naman daw siya dahil nandiyan ang kanyang pamilya at mga Dabarkads sa Eat Bulaga. Hindi lang naman daw lovelife ang nagpapasaya sa kanya. Hindi naman din daw siya naghahangad na magkaroon ng lifetime partner.

TOTOO KAYANG hindi na matutuloy ang bakasyon nina Iza Calzado at ng non-showbiz boyfriend niyang si Atticus King sa Australia dahil sa mga nangyayari ngayong kalamidad?

Ang laki ng epekto ng nangyaring lindol at tsunami sa Japan kaya natakot na raw silang magbiyahe.

Sabi naman ni Iza, itutuloy pa rin daw nila ang bakasyon pero mamo-move lang daw ng ibang araw dahil may ticket na raw sila.

Dumami lang daw ang mga trabahong kailangan niyang tapusin kaya nabago ang schedule ng kanilang bakasyon kasama ang pamilya ng kanyang boyfriend.

TSIKA LANG : Pursigido pa rin pala ang mag-asawang Carlo J. Caparas at Donna Villa na ituloy ang pagsasapelikula ng buhay ni Hubert Webb.

Nang huling nakausap daw nila si Freddie Webb, ayaw na raw nitong mag-decide dahil ang anak niyang si Hubert na raw ang bahala.

Pero hindi pa rin naman daw makapag-isip nang mabuti si Hubert kung ibibigay niya ito sa mag-asawang Carlo at Donna.

Ang balak daw ni direk Carlo na gaganap na Hubert kung sakaling matutuloy ay ang binatang anak niyang si CJ Caparas.

ATTICUS KING BOSSING VIC CAPARAS CARLO J DAHIL DAW DINA BONNEVIE EAT BULAGA HUBERT NAMAN
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with