Bago umoo, Marian may hinihinging kondisyon kay Bong
- TALONG ANONYMOUS () - March 11, 2011 - 12:00am

TRUE : Dumating si Angelu de Leon sa burol ni Paquito Diaz kamakalawa ng gabi.

Dala ni Angelu ang anak niya kay Joko Diaz na si Nicole at first time pala iyun na nakilala ng bata ang pamilya ng kanyang ama.

Maayos naman daw ang pagkikitang ‘yun dahil naging magkaibigan naman daw sina Angelu at Joko.

Ipinagpaalam muna pala ni Joko sa kanyang asawa na darating si Angelu sa burol at naintindihan naman daw ito.

TANONG : Totoo kayang hindi pa malinaw kung matutuloy ang pagiging leading lady ni Marian Rivera kay Sen. Bong Revilla sa Panday 2?

Ngayong araw ang story conference ng naturang pelikula pero as of presstime hindi pa natiyak kung okay na talaga si Marian.

Okay naman daw kay Marian ang offer ng GMA Films at Imus Productions pero may ilang kondisyon lang itong hinihingi na kailangan pa nilang pag-usapan.

Malalaman ‘yan sa story conference ngayong araw.

So far, ang alam naming tiyak na kasali ay sina Iza Calzado at Rhian Ramos. Pinag-uusapan pa rin daw kung isasali si Aljur Abrenica.

TOTOO KAYANG hanggang ngayon ay tuloy pa rin daw ang relasyon ng kilalang seksing aktres at ang male singer na na-link sa kanya noon?

Matagal na nilang sinasabing magkaibigan na lang sila, pero mukhang wala namang nabago nang minsang nakita itong si seksing aktres sa bahay ni male singer na nagi-emote dahil nagseselos daw ito nang makitang may ibang girls na kainuman si male singer.

TSIKA LANG : May kasunduan pala sa mga P Pop group na binuo ng Viva Records na walang magkakainlaban sa kanila.

Kailangang naka-focus sa kanilang career kaya sa mura nilang edad, hindi pa muna puwedeng ma-in love.

Sumisikat ngayon ang mga guwapong bagets na XLR8 at talagang dinadagsa ito ng mga fans sa Party Pilipinas.

Meron ding all-girl group ang Viva na Pop Girls at kabilin-bilinan sa kanila na walang mali-link sa kanila sa XLR8.

Nilinaw naman ng mga Pop Girls na walang malisya ang closeness nila sa XLR8. Parang magkaka­patid lang daw ang turingan nila kaya kahit naiintriga ang ilan sa kanila, wala raw katotohanan iyun dahil magkakaibigan lang daw sila.

Bukod sa dalawang grupong nabanggit, meron pang isang bagong grupong nabuo rin ng Viva, ang RPM o Real Pinoy Music.

Magpapakitang-gilas ang tatlong grupong ito sa kanilang concert na P Pop Explosion sa April 1 na gaganapin sa Aliw Theater.

ALIW THEATER ALJUR ABRENICA ANGELU BONG REVILLA DAW IMUS PRODUCTIONS IZA CALZADO JOKO JOKO DIAZ POP GIRLS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with