_ngayon
^

PSN Showbiz

Newest Kapuso kontrabida, nasa Alakdana na

- Nap Gutierrez -

MANILA, Philippines - Isang bagong kontrabida sa telebisyon na tiyak na kagigiliwan ng mga manonood. Siya si Joanna Marie Tan, ang babaeng kaaway ng bidang si Louise delos Reyes sa Alakdana, ang pinakabagong top-rater ng GMA 7.

Certified na Kapuso star si Joanna dahil siya ang bagong alaga ng GMA 7.

Si Joanna ay isa ring SK sa Caloocan kaya naman very busy na ang kanyang sked. Bukod kasi sa mga tapings niya ngayon sa GMA 7, mayroon pa rin siyang inaasikasong mga projects para sa mga kabataan ng Caloocan.

Bata pa ay hilig na ni Joanna na mag-artista pero ni sa hinagap ay hindi niya naisip na magi­ging isang kontrabida siya. Kaya nga nung sabihan siya ng kanyang manager na si Jenny Molina na mayroon siyang bagong programa sa Channel 7 at kontrabida ang role tinanggap pa rin niya. ‘‘Kahit ano namang role na challenging ay hindi dapat na tanggihan. Natutuwa naman po ako dahil ang ganda ng rating ng Alakdana at masaya kaming lahat sa cast dahil maganda ang pagtanggap sa amin ng mga televiewers,’’ sabi ni Joanna Marie.

ALAKDANA BATA BUKOD CALOOCAN ISANG JENNY MOLINA JOANNA JOANNA MARIE JOANNA MARIE TAN SI JOANNA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with