Kamalditahan ng baguhang sexy actress hindi na ma-take
- TALONG ANONYMOUS () - March 9, 2011 - 12:00am

TRUE : Congratulations kina Paolo Contis at Lian Paz sa kanilang pangalawang baby na isa ring girl.

Iniluwal na ni Lian ang pangalawang baby girl nila kamakalawa ng umaga via caesarian section.

Nasunod ang gusto nilang magkapareho sila ng birthday sa una nilang baby na si Xonia Aitana.

Tamang-tama, nang sinilebrayt ang first birthday ni Xonia Aitana, may bagong kapatid na ito na pina­ngalanan nilang Xalene Abriana.

TANONG : Totoo kaya ang narinig naming kuwentong iniba raw ang karakter nina Jon Hall at Michelle Madrigal sa Captain Barbell dahil nga break na ang dalawa?

Kinumpirma na ni Michelle na single na siya dahil hindi na raw nila naayos ang problema kahit sinubukan muna nilang mag-cool off.

Hindi na dinetalye ni Michelle ang dahilan ng break-up, basta maayos naman daw silang naghiwalay.

Magkasama ang dalawa sa Captain Barbell na dapat ay mag-lovers daw ang role ng dalawa sa kuwento. Pero dahil sa nangyari, iniba na lang daw.

Abangan na lang natin kung ano na ang ga­gampanan nila sa bagong telefantasyang ito ng GMA 7.

TOTOO KAYANG kabagu-bago pa lang ng seksing aktres na ito na nakilala sa ilang internet sites pero hindi na raw ma-take ang kamalditahan nito?

Kinuha daw itong guest para sa isang bagong show at may schedule na raw na taping. Nag-okay naman daw sa calltime pati ang costume requirements, pero pagdating ng taping, hindi raw ito sumipot.

Kawawa raw ang mga staff ng naturang programa dahil gumastos na sila, na-pack-up lang ang ta­ping na walang nakunan dahil sa ‘di pagsipot ng baguhang sexy actress na ewan ko kung makakalipad ng matayog ang career gaya ng isang ibong kapangalan niya.

TSIKA LANG : Sey ni Kris Aquino sa kanyang Twitter account, nakapag-move on na raw talaga sila ni James Yap kaya hindi na ito nagbigay ng komento sa patuloy pa ring pagli-link ni James kay Isabel Oli.

Ayon kay Kris sa kanyang Twitter account : “I saw James on TV. I was asked my opinion about frequent sightings of him and his rumored GF. Mature na talaga ako—I said I don’t want to comment because I want to respect his privacy and we’ve both super moved on.”

CAPTAIN BARBELL ISABEL OLI JAMES YAP JON HALL KRIS AQUINO LIAN PAZ MICHELLE MICHELLE MADRIGAL XONIA AITANA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with