^

KC excited makasayaw si Piolo

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda () - March 8, 2011 - 12:00am

Noong Linggo ay winelcome sa ASAP Rocks ang pinakabago nilang kapamilya na si KC Concepcion.

Masayang-masaya ngayon si KC sa kanyang bagong program na kinabibilangan. “I think I’ll be there twice a month but nevertheless it’s really a great experience. I love to dance, it’s my first love and it’s great to have an opportunity to share that sa mga viewers. Kasi alam ko na talagang nae-enjoy nila kapag lumalabas ako for some reason,” bungad ni KC.

Umaasa naman ang aktres na magkakaroon siya ng opportunity na makilala pa ang mas marami pang Kapamilya stars. “Sana mas makilala ko pang mas mabuti ‘yung ibang Kapamilya stars sa ASAP, excited akong makasabay nila sa show na ito. Hindi lang si Piolo (Pascual) pati ‘yung mga girls, I’m really willing to get to know them more,” natatawang pahayag pa ng dalaga.

Samantala, nag-react na rin si KC sa isyung botong-boto raw kay Piolo ang kanyang amang si Gabby Concepcion at maging si Senator Kiko Pangilinan. “We’ll see what God has to say through the years, and as time goes by,” makahulugang pagtatapos ni KC.

PBB Season 4 auditions, dinumog

Noong Biyernes ay dinumog ang auditions para sa Pinoy Big Brother Season 4 sa Mall Of Asia. Tinatayang umabot ng sampung libo ang nagpunta sa nasabing auditions. Muli na naman kasing magbubukas ang bahay ni Kuya ngayong taon kaya naghahanap sila ng new batch ng interesting housemates.

Present sa nasabing auditions ang Business Unit Head ng PBB na si Direk Lauren Dyogi. “Inaanyayahan po natin lahat ng kababayan nating gustong maging housemate. We will be going around the country, saka sa ibang bansa rin po sa Filipino communities para sa audition natin for season 4. Marami na naman kayong aasahan at mga kapana-panabik na kaganapan na ibibigay ng housemates ni Kuya,” pahayag ni Direk Lauren.

Dawn Zulueta, sa taping nag-birthday

Aktibo na naman ngayon sa showbiz si Dawn Zulueta dahil bukod sa mayroon siyang pelikula with Sarah Geronimo and Gerald Anderson ay kasama rin siya sa remake ng teleseryeng Mula Sa Puso.

Noong isang linggo ay masaya ring nag-celebrate ng birthday si Dawn sa set ng kanilang serye. “Masayang-masaya ako kasi matagal na rin akong hindi nagtatrabaho ng ganito. Gumagawa tayo ngayon ng teleserye. Okay lang iyon at wala naman akong plano na gumastos para sa birthday ko. Masaya na akong kasama ko ang pamilya ko at nakakapag-trabaho ako,” pahayag ni Dawn.    Reports from JAMES C. CANTOS

BUSINESS UNIT HEAD DAWN ZULUETA DIREK LAUREN GABBY CONCEPCION GERALD ANDERSON KAPAMILYA KIKO PANGILINAN KUYA LAUREN DYOGI MALL OF ASIA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with