GF ni Phil nag-denay
- TALONG ANONYMOUS () - March 7, 2011 - 12:00am

TRUE: Ang anak ni Melissa Mendez na si Denisse Oca ang itinuturong girlfriend ng sikat na miyembro ng Philippine Azkals na si Phil Younghusband.

Kumalat sa Internet lalo na sa mga blogs at social networking sites ang mga litrato na magkasama ang dalawa.

Itong si Denisse ay sumali dati sa isang reality show ng QTV na The Debutante.

Nakilala ito ni Phil sa isang bar at naging sila raw. Pero nang na-link si Phil kay Angel Locsin, naghiwalay ang dalawa.

Kaagad nag-react itong Denisse sa kanyang Twitter account: “Been rumors going around and I just want to clarify that I am not @PhilYHusband’s gf. We’re just friends. Please get your facts straight. Thanks.”

Kaagad namang sinundan ni Phil sa kanyang Twitter account: “Lots of rumors going around. Things being made an issue out of nothing. Please consider the feelings of the people involved. Thanks guys!”

TANONG: Kung hindi si Jodi Sta. Maria o si Bangs Garcia ang aktres na tinutukoy ni Iwa Moto na gumulo sa relasyon nila ng non-showbiz boyfriend niya. Sino nga ba ito?

“Inilibing ko na siya sa limot. Pinatawad ko na siya dahil pinatawad ko na rin si Mickey (Ablan). Wala na kayong makukuhang information sa akin, basta ang gawin n’yo na lang, kung sino man ang naisip n’yo, sige siya na ’yun. Bahala na po kayo,” sagot ni Iwa.

Itinatanggi nitong si Jodi o si Bangs ang tinutukoy niya. Huwag na sanang idamay ang ibang taong wala namang kinalaman.

Pero para wala na ngang ibang taong madada­may, bakit hindi na lang niya banggitin para matapos na?

TOTOO KAYANG isa pala sa idolo ng isa sa mga finalists ng American Idol na si Thia Megia ay si Regine Velasquez?

Naging fan si Thia ni Regine nang nakasama raw siyang mag-perform sa isa sa mga concerts ng Asia’s Songbird.

Bukod kay Regine, idol din nito si Charice Pempengco dahil nakapag-perform din siya sa David Foster and Friends.

TSIKA LANG: Isa sa aabangan mamayang gabi ay ang pagsisimula ng isang malaking teleserye ng ABS-CBN, ang Minsan Lang Kita Iibigin na pagbibidahan ni Coco Martin.

Suportado si Coco ng mga malalaking artistang kagaya nina Lorna Tolentino, Amy Austria-Ventura, John Estrada, at Tonton Gutierrez.

Si Tonton ang isa sa mga na-challenge sa ginagampanan niya sa bagong teleseryeng ito, kaya talagang pinag-aaralan niya ang script bago siya tumuloy ng taping.

Si Tonton nga pala ang kinuhang endorser ng isang herbal dietary supplement na Prostamen lalo na’t nagma-mature na siya, kailangan talagang mapangalagaan ang prostate na madalas na naaapektuhan ay mga kalalakihan.

AMERICAN IDOL AMY AUSTRIA-VENTURA ANGEL LOCSIN BANGS GARCIA CHARICE PEMPENGCO COCO MARTIN DAVID FOSTER AND FRIENDS DENISSE DENISSE OCA SI TONTON
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with