Kahit siya ang kasama nung b-day ng basketbolista Isabel ayaw pa ring magsalita tungkol sa kanila ni James Yap
- TALONG ANONYMOUS () - March 6, 2011 - 12:00am

TRUE : Inamin ni James Yap na kasama niya si Isabel Oli sa kanyang birthday party kamakailan pero hindi ibig sa­bihin na sila na raw.

Kung si Kris Aquino naman ang tatanungin, parang na­niniwala siyang nakikipag-date na si James sa ibang girls pero hindi lang siya sure kung si Isabel nga ito.

Ang sabi naman ni James, pareho silang Bisaya ni Isabel kaya nagkakasundo sila. Ayaw naman daw nilang maa­pektuhan ang kanilang friendship dahil lang sa intrigang ‘yun.

Ayaw ni Isabel magsalita sa ngayon. Kung may sasabihin daw si James tungkol sa kanilang dalawa, saka na lang daw siya magbibigay ng pahayag.

TANONG : Ano nga ba ang reaksiyon ni Aljur Abrenica sa mga pumupuna sa sinasabing ‘wooden acting’ niya sa Machete?

 “Siyempre nasasaktan din po ako. Pero nagpapasalamat pa rin po ako sa kanila dahil napapansin nila ako. Lalo akong natsa-challenge na dapat ko pong pagbutihin ang aking trabaho,” sagot ng seksing young actor.

TOTOO KAYANG may isang artistang ka­sama sa toprated telefantasya ng GMA 7 na Magic Pala­yok na gusto raw kunin ng ABS CBN 2?

Very tempting daw ang offer at gusto nang tanggapin ng kanyang manager. Kaya lang, mukhang matatagalan pa ang ar­tistang ito sa Magic Palayok kaya nagpaparinig na raw ang manager nito na sana patayin na siya sa naturang telefantasya.

TSIKA LANG : Matapos gunitain ng Eat Bulaga ang 2nd death anniversary ng master-rapper na si Francis Magalona, magka­karoon naman ng misa sa may puntod nito sa Loyola Memorial Park sa Marikina mamayang alas-kuwatro ng hapon.

Magkakaroon daw ng konting salu-salo pagkatapos ng misa na inaasahang dadaluhan ng buong pamilya at malalapit na kai­bigan.

ALJUR ABRENICA AYAW EAT BULAGA FRANCIS MAGALONA ISABEL OLI JAMES YAP KRIS AQUINO LOYOLA MEMORIAL PARK MAGIC PALA SHY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with