Young actor na galing sa reality show maglaladlad na ng kabaklaan
- TALONG ANONYMOUS () - March 4, 2011 - 12:00am

TRUE : Sinuportahan ng bagong kasal na sina Oyo Sotto at Kristine Hermosa ang pelikulang Who’s That Girl? nina Anne Curtis at Luis Manzano.

Dumalo ang mag-asawa sa premiere night nito nung nakaraang Lunes. Hindi dahil sa dating girlfriend ni Oyo si Anne kundi para kay Dina Bonnevie na may special participation sa naturang pelikula.

Nananatiling magkaibigan sina Anne at Oyo sinabi naman ng aktor na wala namang problema sa kanila kung sakaling magkasalubong sila uli.

Sa premiere night ay nilinaw ng dalawa na wala silang pinag-usapang limitations kung sakaling magpaka-active uli ang misis sa pag-aartista. Pero nagkakaintindihan na sila kung hanggang saan lang puwede si Kristine.

“Pero I’m still resting pa. Rest muna ako. We’ll see ’pag may magandang offer, ’pag may magandang project. Pero as of now, wala pa naman silang name-mention sa akin,” pahayag ni Kristine.

TANONG : Tuloy na kaya ang pag-appear uli ni Edu Manzano sa GMA 7 pagkatapos masibak ang game show niyang Asar Talo?

Ang latest na narinig namin, ibabalik na ang Family Feud at si Edu na ang maghu-host. Aba­ngan na lang natin dahil hindi pa masasabing siya na nga hangga’t hindi siya nag-uumpisang mag-taping.

TOTOO KAYANG nakarating sa amin na posibleng magladlad na rin itong young actor na galing sa isang reality talent search?

Kahit nagpaganda na ito ng katawan at willing nang magpa-sexy, hindi pa rin mawala-wala ang isyung kabadingan.

 Ang latest na narinig namin, wala siyang pakialam sa kumakalat na balitang nakipag-orgy ito sa dating sexy actor at kilalang guwapong model na aminadong baklita rin.

TSIKA LANG : Tuwang-tuwa si Paulo Avelino sa magagandang pangyayari sa kanyang career ngayong 2011.

Pumirma na ito ng exclusive contract sa Regal Entertainment, Inc. at sa contract-signing nito, na-announce na ni Mother Lily Monteverde na kasali siya sa remake ng Temptation Island.

Nang dinala si Paulo ng manager niyang si Leo Dominguez sa Regal, napansin agad nina Mother Lily at Roselle Monteverde-Teo ang mapang-akit na mata ni Paulo kaya pinapirma na nila ito bilang Regal Baby.         

Tingin ni Mother Lily, posibleng sundan ni Paulo ang mga yapak nina Aga Muhlach at Richard Gomez.

AGA MUHLACH ANNE CURTIS ASAR TALO DINA BONNEVIE EDU MANZANO FAMILY FEUD MOTHER LILY PAULO
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with