Panay ang pili ng role, wala namang datung, Magaling na aktor masama ang loob sa anak
- TALONG ANONYMOUS () - February 28, 2011 - 12:00am

TRUE : Hindi natuloy ang pagsama ni Jennylyn Mercado sa GMA caravan sa Iloilo nung nakaraang linggo dahil isinugod daw ito sa hospital.

Kuwento ng kanyang manager na si Becky Aguila, tinanggal na raw ang tonsils ng aktres na isa sa dahilan kung bakit naging sakitin ito at may kinalaman din pala ito sa heart problem ng aktres kaya mas mabuting tanggalin na raw ito.

Dalawang linggo raw na hindi puwedeng magsa­lita si Jennylyn, kaya kasalukuyan na itong namamahinga.

TANONG : Bakit nga ba hindi natuloy ang unang plano nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez na church wedding nung nakaraang Pasko?

 “Hindi pala ganun kadali iyun,” sagot agad sa amin ni Robin nang sandaling nakatsikahan namin ito sa presscon ng bagong pelikula nilang Tum : My Pledge of Love na showing na sa March 16.

May mga papeles pa raw na kailangan nilang ayusin kaya hindi agad sila nakapagpakasal sa Catholic Church.

Pero pangako ni Robin na itutuloy nito ang wedding bilang respeto sa mga magulang ni Mariel.

Gusto niyang maging June bride si Mariel pero ayaw pa niyang sabihin kung saang simbahan dahil sorpresa daw niya ito sa asawa.

TOTOO KAYANG hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob nitong magaling na aktor sa ilan niyang mga anak dahil sa hindi sila nagkakasundo pagdating sa kanilang trabaho.

Si magaling na aktor, mas lamang sa kanya ang ganda ng project at pangalawa na lang kung magkano ang ibabayad.

Ang isa naman niyang anak na nasa showbiz din ay tanggap lang nang tanggap ng kung anu-anong project, basta ang mahalaga tama ang pay.

Minsan ay pinagsabihan niya ang kanyang anak na mamili naman ng tamang project. Nasaktan siya sa sagot ng kanyang anak na : “eh ikaw, ang gaganda nga ng mga project mo wala ka namang pera.”

TSIKA LANG : Ngayong araw na ang simula ng GMA News TV sa Channel 11 kung saan may oras-oras na pagbabalita.

Abangan n’yo rin ang launch ng bagong re­format na Tweetbiz Insiders sa GMA News TV ngayong alas-onse ng umaga at sa regular primetime airing nitong 7:30 ng gabi.

Dito na ipakilala ang ba­gong miyembro ng Tweetbiz Insiders na sina Gelli de Belen at Fabio Ide.

ABANGAN BECKY AGUILA CATHOLIC CHURCH FABIO IDE JENNYLYN MERCADO MARIEL MARIEL RODRIGUEZ MY PLEDGE OF LOVE ROBIN PADILLA TWEETBIZ INSIDERS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with