Pangalawa na, dating beauty queen nabuntis na naman ng kilalang aktor
- TALONG ANONYMOUS () - February 27, 2011 - 12:00am

TRUE : Inalok ni Kris Aquino si Dingdong Dantes na magsosyo na silang dalawa sa pag-produce ng pelikulang pagsasamahan nila.

Hindi na kasi tuloy si Kris sa GMA Films dahil hindi pa pala puwede sa kontratang pinirmahan niya sa Star Cinema.

Nagustuhan naman ni Dingdong ang alok ni Kris dahil isa rin sa mga plano niya ang mag-produce ng pelikula. Posibleng matuloy ’yun.

TANONG : Hanggang ngayon ay umaasa pa rin pala ang magkapatid na Danica at Oyo Sotto na magkakabalikan ang mga magulang nila.

Ayaw sagutin ni Vic Sotto ang nasabing isyu, pero si Dina Bonnevie ay aminadong nandiyan pa rin ang konting kilig kay Bossing Vic dahil siya pa rin ang George Clooney ng buhay niya.

“I don’t know. Siguro sa amin ni Vic parang there’s the certain thing ’pag nagkikita kami.

“Napi-feel ko rin sa kanya na ’pag nakita niya ako, may tingin pa rin siya, na ako naman ’di ba para siyang si George Clooney na Filipino version? Na ’pag nagkita tayo kahit paano there’s a certain bond na hindi mo ma-explain kasi siya ’yung tatay ng mga anak mo,” natatawang pahayag ni Dina.

TOTOO KAYANG buntis ang isang beauty queen/actress na dating na-link sa kilalang aktor?

Kung totoo ito, bale pangalawang anak na niya ito pagkatapos siyang mabuntis ng kilalang aktor.

TSIKA LANG : Malaki ang pasasalamat ni Luis Alandy dahil finally ay nabigyan na siya ng pagkakataon ng GMA 7 na maging leading man sa bagong dramarama sa hapon, My Lover, My Wife na magsisimula na bukas, pagkatapos ng Nita Negrita.

Dati ay masaya na siya sa supporting role, pero ngayon ay pinagkatiwalaan siya ng GMA 7 na magbida pagkatapos ng magandang performance niya sa Beauty Queen.

Kasama ni Luis dito sina Maxene Magalona, Nadine Samonte at Marco Alcaraz na isa rin sa binigyan ng GMA 7 ng pagkakataong maging leading man.

BEAUTY QUEEN BOSSING VIC DINA BONNEVIE DINGDONG DANTES GEORGE CLOONEY KRIS AQUINO LUIS ALANDY MARCO ALCARAZ MAXENE MAGALONA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with