'Kasal nina' Sen. Bong at Lani tuloy na!
- TALONG ANONYMOUS () - February 25, 2011 - 12:00am

TRUE : Pinagtawanan na lang ni Marian Rivera ang intrigang kailangan aprubado pa raw ni Dingdong Dantes kung sino ang magiging leading man niya sa Amaya.

 “Alam n’yo naman ang mga intriga. Pinagtatawanan na lang namin ni Dong ‘yan. Pagdating sa trabaho, trabaho lang talaga kami at hindi naman pinapakialaman.

 “Siyempre, kailangan namin sumunod sa desisyon ng GMA 7. Hindi pinapakialaman ni Dong ‘yan,” pahayag ni Marian.

Sina Sid Lucero at ang baguhang si Mikael Daez ang makakapareha ni Marian sa bagong epicserye na ito ng GMA 7 at natutuwa ito dahil nakasundo naman daw niya agad pagkatapos nilang magkita sa story conference at mag-workshop.

TANONG : Hindi na kaya matutuloy ang renewal of vows na matagal nang pinaplano nina Sen. Bong Revilla at Cong. Lani Mercado?

Pinag-usapan na iyan nung nakaraang taon pa at willing ang GMA 7 na tumulong para gawing special dahil silver wedding anniversary na nila ito.

Medyo gahol na sa oras ang paghahanda kaya hindi na raw sana nila ito itutuloy at magto-tour na lang sila sa Europe.

Pero mukhang pursigido ang GMA 7 na gawin ito kaya pinag-uusapan na nila ngayon na ituloy na ang renewal of vows na gagawin sa Amerika, doon sa unang pinagkasalan nila 25 years ago.

Maliit na chapel na ito ngayon at naging bahagi na ng sementeryong pinaglibingan kay Michael Jackson.

TOTOO KAYANG tuloy na ang paglipat ni Wendell Ramos sa TV5?

Ayaw pa itong kumpirmahin ng bagong manager niyang si Perry Lansigan dahil wala pang contract-signing.

Inamin lang ni Perry na maganda ang napagkasunduan nila ng TV5 na hindi naman tinapatan ng GMA 7 kaya mukhang matutuloy na ang lipatan.       

Tuwang-tuwa naman si Wendell dahil kung sakali, ngayon lang ito magkakaroon ng network contract dahil halos 15 years na itong walang kontrata sa GMA 7.

TSIKA LANG : Sa Lunes na magsisimula ang bagong telefantasya ng GMA 7 na Magic Palayok at isa sa bago rito ay ang pagbabalik-showbiz ni Mikee Cojuangco.

May special participation lang dito si Mikee dahil hindi pa naman nito kaya ang magbabad sa taping dahil personal niyang inaalagaan ang tatlong anak nila ni Dudut Jaworski.

Mas excited sa bagong telefantasyang ito ng GMA 7 ay ang magkasintahang Geoff Eigenmann at Carla Abellana.

BONG REVILLA CARLA ABELLANA DAHIL DINGDONG DANTES DUDUT JAWORSKI GMA LANG
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with