Ramdam ang sobrang kalungkutan, Dina ibebenta na ang bahay!
- TALONG ANONYMOUS () - February 23, 2011 - 12:00am

TRUE : Naiyak si Dina Bonnevie nang nakatsikahan namin sa presscon ng Who’s That Girl? kamakailan dahil sa aminado itong nalulungkot na siya at nag-iisa na siya sa bahay pagkatapos magpakasal ni Oyo Sotto kay Kristine Hermosa.

Tuwing Linggo lang siya nadadalaw ng mga anak niya kasama ang kanyang dalawang apo pero kapag weekdays ay mag-isa lang siya. Kaya inuubos na lang niya ang oras sa trabaho.

Doon na niya naramdaman ang emptiness lalo na ngayong wala naman siyang karelasyon.

Balak na ni Dina na ibenta ang bahay niya sa Quezon City dahil napakalaki nito, pagkatapos mag-isa na lang siyang nakatira.

Balak niyang kumuha ng maliit lang na bahay o condo unit sa bandang The Fort para malapit na ito sa kanyang mga anak.

TANONG : Hindi na nga ba gagawin ni Sen. Bong Revilla, Jr. ang biopic ni Emilio Aguinaldo dahil sa meron ng El Presidente na gagawin ni Gov. ER Ejercito?

“Yes. Gagawin na kasi ni ER eh,” sagot agad sa amin ni Sen. Bong.

In fairness naman kay Gov. ER, two years na pala niya itong pinaghandaan at nung kinausap si Sen. Bong, sinabihan siya nitong kung sisimulan na niya ngayong taon ang pelikula, hindi na niya itutuloy ang binabalak niyang Aguinaldo epic film.

Nangako naman sa kanya si Gov. ER na sisikapin nilang mapaganda ang naturang pelikula.

TOTOO KAYANG na-turn off ang isang female TV celebrity nang naka-date niya ang male TV celebrity nang mag-dinner silang dalawa?

Ang imbitasyon kasi ni male TV personality, mag-dinner sila sa Shangri-La restaurant na ang buong akala ni Female TV celeb ay sa Shangri-La EDSA o Shangri-La Makati sila magdi-dinner. ’Yun pala sa may lumang restaurant na Shangrila ang name sa may bandang West Avenue, malapit sa dating tahanan ni Female TV celebrity.

Type pa naman ni Female TV celeb ang mga kasosyalan, at hindi niya akalaing doon siya dadalhin ni Male TV celeb kasabay ng mga Chinese regular customers ng naturang restaurant.

TSIKA LANG : Ngayong magtatapos na ang Koreana, nagpapasalamat si Rocco Nacino at naging close sila ni Kris Bernal.

Sinang-ayunan din ito ni Kris na between Rocco at Steven Silva, mas close siya kay Rocco dahil madalas silang nagkukulitan samantalang si Steven ay tahimik lang.

Pero hindi naman na-develop sa ligawan dahil mukhang in love naman itong si Rocco kay Sheena Halili at patuloy pa rin namang nali-link si Kris kay Jay Perillo.

Sinabi naman ng dalawa na maganda ang friendship at pagdating naman sa kanilang love life, mas gusto nilang manatiling private ito at hindi na ihahalo sa kanilang showbiz career.

Sa Biyernes na ang ending ng Koreana at isa sa aabangan ay kung sino kina Rocco at Steven ang makatuluyan ni Kris.

BALAK BONG REVILLA DINA BONNEVIE EL PRESIDENTE EMILIO AGUINALDO JAY PERILLO KOREANA NAMAN NIYA ROCCO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with