XLR8, Pop-G , and RPM hahataw sa P-Pop Explosion
() - February 22, 2011 - 12:00am

MANILA, Philippines -  Ilang dekadang naghahatid ng galing at saya ang Viva Concerts & Events sa stage sa pagsuporta sa Original Pinoy Music (OPM).  Muli, isa na namang hindi malilimutang performance na tunog Pinoy Pop (P-Pop) ang handog ng produksiyon para sa P-Pop generation. 

Tatlo sa pinaka-fresh na grupo ang magsasama para iangat ang OPM. Ang XLR8, Pop-Girls, at RPM ay magko-concert sa April 1 sa P-Pop Explosion sa Aliw Theatre (8:00 p.m.).

Hindi lang powerful vocals ang maririnig dahil kilala ang grupo sa pagbibigay ng mga high-energy dance moves. Walang hindi mapapasayaw sa mga hit singles nilang Dance With Me, Crazy Crazy, You’re So Hot, at Sige Sayaw at walang hindi mai-in love sa mga romantic songs na Kapag Tumibok ang Puso and I Love You Girl.

Ang P-Pop Explosion ay handog din ng MyPhone at Mang Inasal sa pakikipagtulungan ng Channel V.

Makukuha ang tiket sa SM Tickets (470-2222) at Ticketworld (891-9999). Maaari ring tumawag sa Viva Concerts & Events sa 687-7236 para sa iba pang detalye.

ALIW THEATRE ANG P-POP EXPLOSION CHANNEL V CRAZY CRAZY DANCE WITH ME I LOVE YOU GIRL KAPAG TUMIBOK MANG INASAL ORIGINAL PINOY MUSIC VIVA CONCERTS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with