Nag-aartista uli pero. Mikee 'di gustong malayo sa pamilya sa Pampanga
- TALONG ANONYMOUS () - February 21, 2011 - 12:00am

TRUE : Hindi na maita­tangging hit na hit na talaga ngayon ang Philippine Azkals at kahit saan nakikita sila.

Ang daming nag-i-invite sa kanila sa kung saan-saang event at pinagka­kaguluhan ang mga football players.

Ang latest na pinunta­han nila ay ang opening ng bagong branch ng Belo Medical Group sa The Residences sa Makati.

Ilan sa mga miyembro ng Azkals na dumalo sa event ay ang team captain nilang si Aly Borromeo, kasama sina Anton del Rosario at Yannick Tuazon.

Ang isa sa pinakasikat na si Neil Etheridge ay kasalukuyang nasa London pa at madalas nagti-tweet lang sila ng mga ka-miyembro nito.

Unang nai-post nito sa Twitter ay, “Somehow we are linked with ‘BELO’ without me knowing.”

Tinwit siya ni Anton na sa Greenbelt sila sa opening ng Belo.

Sinagot ni Neil si Anton sa kanyang Twitter ng “@anton_delro what the f*ck is this belo s*it, how are we all involved or are we not?”

TANONG : Seryoso na nga ba si Mikee Cojuangco sa pagbabalik-showbiz nito?

Kasali si Mikee sa bagong telefantasya ng GMA 7 na Magic Palayok at nagi-enjoy siya nang magsimula na itong mag-taping.

Ang dinig lang namin, ayaw ni Mikee na mapalayo ng husto sa bahay niya sa Pampanga.

May farm pala sa Pampanga ang mag-asa­wang Dudut Jaworski at Mikee at ayaw itong iwan ng huli.

Napapayag lang itong sumali sa Magic Palayok dahil doon din sa Pampanga ang location ng taping na malapit lang sa kanyang bahay.

Mas pinili na ni Mikee ang simpleng buhay nila sa probinsya kaya hindi niya ito maiwan-iwan.

TOTOO NGA KAYANG balak ligawan si Kim Chiu ng guwapong basketbolista ng La Salle na si Simon Atkins?

Napabalita na noon ang pag-alok ni Simon ng date kay Kim, pero idinaan lang niya ito sa Twitter. Hindi nga lang gaanong napag-usapan dahil mas interesting ang naudlot na date nina Angel Locsin at Phil Younghusband.

Ang problema hindi pa gaanong kilala ni Kim si Simon kahit nagkausap na sila sa telepono minsan. Marami na ang nagpaliwanag sa young actress kung sino ito pero wala pang sagot kung tatanggapin ba niya ang alok ng guwapong basketbolista.

TSIKA LANG : After Survivor Philippines Celebrity Showdown, gusto na rin ni Aubrey Miles na magpaka-active sa pag-aartista. Kaya lang mas gusto sana niyang mag-comedy dahil baka kontrabida role raw ang ibibigay sa kanya.

Meron na siyang gagawin sa GMA 7 pero baka magkontrabida siya at ’yun ang inaalala niya dahil nung nasa Survivor pa lang, nagmukhang kontrabida na siya at ang daming nagalit sa kanya.

Naranasan na niya minsan na gusto siyang sugurin ng isang babae dahil sa galit na galit ito sa kanya nang napanood siya sa Survivor.

Baka lalo siyang kainisan kapag magkokontrabida siya sa isang serye.

ALY BORROMEO ANGEL LOCSIN ANTON AUBREY MILES BELO MEDICAL GROUP KIM CHIU LA SALLE LANG MAGIC PALAYOK PAMPANGA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with