Relasyon nina Piolo at KC kinukumpara sa nangyari kina Erik at Rufa Mae
SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis () - February 17, 2011 - 12:00am

Ikinukumpara ng iba ang relasyon nina Piolo Pascual at KC Concepcion sa naging relasyon noon nina Rufa Mae Quinto at Erik Santos. Kaya hinuhulaan din nilang hindi ito magtatagal.

Kaya lang masyado pang maaga para humusga. Hindi naman natin alam kung ano ang tunay nilang nararamdaman sa isa’t isa.

Bahay ng mga anghel, 15 years na!

Join kami kay Nay Lolit Solis sa pagbisita sa Home For The Angels (Child Caring Foundation, Inc.) sa may San Andres, Manila na ang founder at presidente ay si dating Manila Mayor Lito Atienza.

Ang Home for the Angels ay pansamantalang tahanan ng mga batang itinatapon ng mga magulang na siguradong wala sa tamang kaisipan kaya iniiwan na lang ng basta ang iniluwal na sanggol matapos nilang ipagbuntis ng siyam na buwan.

Matagal na ang Home for the Angels -15 years na kaya nakakatakang may mga nanay na naiisipang itapon ang kanilang mga bagong silang na anak. Bakit hindi na lang nila ibigay sa nasabing bahay na si Bro. Eddie Velarde ang unang nagsabi kay dating mayor Lito at DENR secretary na magtayo ng isang bahay para sa mga inaabandonang bata.

Ang foundation ang nagpo-provide ng gatas, mga damit at lahat ng kaila­ngan ng mga bata. Kuwento ni Mayor Atienza, may mga batang may sakit na dinadala sa kanila na sila pa ang nagpapagamot.

At kung walang-wala nang impormasyon tungkol sa baby na iniwan ng walang mga pusong ina, Atienza na ang ginagawa nilang apelyido at binabago na lang ng mga tatayong bagong magulang niya.

Cutie ang mga batang naabutan namin sa Home for the Angels. May dalawang taong baby girl, ang ganda. Meron namang 1 year and 8 months na mestissohing baby. Pero nai-match na raw ang baby sa mag-asawang Español at pino-proseso na ang mga papeles. Dahil nga marami ang mga kaila­ngang ayusin dahil pag pala mag-aampon ka dadaan ka sa series of interviews and psychological test kaya kailangan pang maghintay ang baby bago niya makasama ang mga bago nilang magiging magulang.

Lolo ang papel ng dating mayor sa mga baby na siya mismo ang nagbibigay ng instructions sa mga staff at madalas siyang dumadalaw sa nasabing center.

So far, 344 babies ang exact number na naalagaan nila. Umabot naman sa 4,508 women and teenagers ang natulungan nila. At sa kasalukuyan, may alaga silang 14 babies.

Actually ngayon ko lang nalaman na may ganito palang foundation na itinataguyod si dating Mayor Atienza. 

Dahil kay Pacman, tatlong kotse sa White House naaksidente

Sayang, walang pictures na lumabas kahapon na magkasama sina US President Barack Obama at Pinoy boxing champion Manny Pacquiao.

Kahit sa coverage na ipinalabas sa mga TV shows kahapon, walang kuha na magkasama ang dalawa. Kahit anong hanap namin sa Internet kahapon, wala talaga.

Litrato lang na kasama si US Senator Harry Reid ang nasa Internet kahapon.

Anyway, ayon sa report, sobrang pinagkaguluhan ang nasabing pagdalaw ni Pacman sa presidente ng Amerika.

Ayon sa report ng FanHouse.com, dinumog ang mag-asawang Manny at Jinkee ng fans at members ng media na malapit sa White House sa Washington D.C.

Dahil sa pagkakagulo ng mga fans, tatlong car accident ang naganap habang kinukunan ng pictures ang mag-asawa ayon pa sa report.

Ayon pa sa interview ng FanHouse sa Canadian adviser ni Pacman na si Michael Koncz na kasama ng boksingero sa kanyang US press tour, bukod sa tatlong aksidente, grabe rin daw ang naging traffic sa labas ng White House.

“We’re standing on the corner across from the White House entrance way, and couple of ladies were taking pictures while they were driving, and then, another guy took a picture while they were driving,” paliwanag ni Koncz sa FanHouse.

“And it caused a three-car accident—unbelie­vable. Manny was standing on the corner waiting to cross the street, and we were standing at the entrance way. Fortunately, there was only car da­mage. Everyone got out of their cars and it seems like no one was injured.”

Babalik na ng bansa si Pacman para mag-trai­ning na sa magiging laban nila ni Mosley sa May 17.

Wala pa namang report kung natuloy ang pagkikita nila ni Justin Bieber.

ANG HOME AYON BARACK OBAMA CHILD CARING FOUNDATION DAHIL MAYOR ATIENZA PACMAN WHITE HOUSE
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with