_ngayon
^

PSN Showbiz

Star Magic talent napansin ng Kids Castle

-

MANILA, Philippines - Bagong model at endorser ng bagong uso ngayon sa mga bata si Owie Boy Gapuz ng Star Magic.

Ang Kids Castle ay nagbibigay ng kakaiba at bagong konsepto ng mga serbisyong magbibigay ng pakiramdam sa mga bata na para silang mga prinsipe o prinsesa, hari o reyna.

Kunan ng larawan ang majestic façade na parang kastilyo. Sa dining area ay nakakaakit na banquet na nagsisilbi ng masasarap na pagkain at inumin.  

Sa bawat kainan ay kasabay ang kasiyahan sa playpen ng kastilyo na katatagpuan ng mga pambihira at magagandang laruan at mga educational activities.

Puwedeng papelan ang paborito mong cartoon character, action figure o maging prinsipe o prinsesa sa costume salon ng kastilyo. Isa nga itong reyalidad sa pantasya ng mga bata.

Makakapangisda rin ang mga bata sa kiddie fountain ng kastilyo. Sa theater nito, makakapanood ng mga magical shows at maging bahagi ng mga fairytales, fables, at stories.

Maaaliw din sa mga magical ride sa kiddie float. 

Ipagdiwang sa Kid’s Castle ang ma­hahalagang okasyon ng isang bata. Maaaring birthday party, pagdiriwang sa graduation o binyagan. Anumang masayang okasyon na hindi puwedeng malimutan.

Kaya nga iniimbitahan ni Owie Boy ang lahat ng bata na magpasarap sa Kids Castle na matatagpuan sa pangalawang palapag ng SM Southmall sa Las Piñas City.

ANG KIDS CASTLE ANUMANG BATA IPAGDIWANG KIDS CASTLE LAS PI OWIE BOY OWIE BOY GAPUZ STAR MAGIC
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with