^

PSN Showbiz

Big name na papasok sa Q11, pahulaan

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Malapit nang maging news channel ang Q Channel 11. Ang sabi, sa last week ng February and for one week, magsasara ang Q Channel 11 at pagbalik, news channel na. Maraming shows na umeere ngayon ang mawawala pero may ilan ang mare-retain at kasama rito ang Tweetbiz, Full Time Moms, at Balikbayan ni Drew Arellano, pero iibahin ang title. Ang X Life ay extended up to March.

Mari-retain din ang American Idol, kaya lang, paano ito mapapanood kung one week na magsa-shut down ang Q Channel 11? Posible kayang ilipat muna sila sa GMA 7?

Curious kami sa “one big name” in news na makakasama ng mga reporters. Sino kaya siya?

Barbie bida na nga pero paiitimin naman

Mukhang pinakinggan ng GMA 7 ang request ng mga fans nina Barbie Forteza at Joshua Dionisio na bigyan ng show ang dalawa bukod sa Reel Love Presents… Tween Hearts dahil hindi sila happy na every Sunday lang napapanood ang dalawa.

Ang balita namin, si Barbie ang bida sa afternoon soap na Nita Negrita na ipapalit yata sa Koreana at si Joshua naman ang makakapareha niya. Kasama rin sa cast ng Nita Negrita ang kasama nila sa Tween Hearts na sina Lexi Fernandez at Kris­toffer Martin dahil sila na lang ang walang other show sa network. Pero totoo kayang kung hindi pa binigyan ng ibang show si Kristoffer, babalik na ito sa ABS-CBN?

Ang puti ni Barbie at para paitimin, kailangan ng maraming body make-up tuwing may taping ng Nita Negrita, pero bida naman siya.

Valentine show ni Gary V. hindi na tuloy

Hindi magkakatapat ang mga shows sa Feb. 12 nina Martin Nievera at Sarah Geronimo at Gary Valenciano dahil hindi tuloy ang Valentine show ni Gary sa Manila Hotel. Na-move sa ibang date ang show ni Gary, pero this year pa rin.

Sabi ni Angeli Pangilinan-Valenciano, kulang sa preparasyon kung Feb. 12 ang concert at ayaw ni Gary na minamadali ang paghahanda. Saka, pagod ito dahil katatapos lang ng 1@11 concert nila ni Charice sa SM MOA Concert Grounds, kung saan 75,000 ang nanood.

Nasa Orlando, Florida si Gary ngayon at dinalaw ang inang galing sa sakit. Kagagaling lang nina Gary at Gab Valenciano sa Anaheim, California at dumalo sa NAMM o National Association of Music Merchants.

Excited na na-tweet ni Gary na nakita niya ang mga kilalang name sa music industry, gaya ni Verdine White, ang original bass player ng favorite band niyang Earth Wind & Fire. Disappointed si Mr. Pure Ener­gy nang ’di makita si Stevie Wonder.

Polo humingi ng trabaho sa baclaran church

Kuwento ni Polo Ravales, ipinagdasal at hiningi niya sa Baclaran Church ang pagkakasali niya sa cast ng Machete. After Grazilda, nagsimba siya sa Baclaran para humingi ng project dahil ayaw niyang umabot uli sa six months na wala siyang show.

“Ang dasal ko kay Lord, gusto ko lang maging busy uli and after a day, ibi­nigay niya ang Machete. Mabilis akong pinakinggan ng Diyos, kaya nagbalik ako sa Baclaran para magpasalamat,” kuwento ni Polo.

vuukle comment

AFTER GRAZILDA

AMERICAN IDOL

ANG X LIFE

ANGELI PANGILINAN-VALENCIANO

BACLARAN

BARBIE

GARY

NITA NEGRITA

Q CHANNEL

TWEEN HEARTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with