Mga tagong eksena sa nagdaang MMFF ibubunyag sa Patrol ng Pilipino
() - January 4, 2011 - 12:00am

MANILA, Philippines - Iba’t ibang eksena ang nasilip ng Patrol ng Pilipino sa naganap na Parade of Floats ng Metro Manila Film Festival noong Disyembre 24 at sa sumunod na Gabi ng Parangal nito noong Disyembre 26.

Naging saksi si Ginger Conejero hindi lang sa likas na hilig ng mga Pinoy sa artista kundi pati na rin sa mga namumuong isyu at kontrobersiya tampok ang mga nagsipagganap sa walong pelikulang kasali sa festival. Kung mayroong nagwagi, mayroon ding ora-oradang umuwi.

Samahan siya sa kanyang masusing pagsu­baybay sa mga kaganapan sa likod ng kamera na nagpapakita na ang bawat parada ng artista ay may kaakibat na intriga ngayong Martes (Jan 4) sa Patrol ng Pilipino.

Samantala, makikitambay naman si TJ Manotoc sa bilyaran kung saan nakita at naintindihan niyang ang mundong ginagalawan ng mga nagnanais maging Efren “Bata” Reyes at Django Bustamante. Ang isport ba nila ay bisyo lamang o may matimbang na benepisyong hatid sa kanila?

Abangan ang sagot sa Patrol ng Pilipino pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN.

ABANGAN BANDILA BATA DISYEMBRE DJANGO BUSTAMANTE EFREN GINGER CONEJERO METRO MANILA FILM FESTIVAL PARADE OF FLOATS PILIPINO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with