Kaseksihan ni Shaina tinalbugan ng manyika
() - December 21, 2010 - 12:00am

MANILA, Philippines - Malakas ang atraksiyon ng mga nakakatakot na eksena sa Shake, Rattle & Roll 12 base sa bonggang trailer nito na mula sa imahinasyon ni Roselle Monteverde- Teo.

“Very unique!” sambit ng ina niyang si Mother Lily Monteverde. Imagine nga naman,   punung-puno ng kata­takutan ang regalong matatanggap sa Araw ng Pasko.

Pero alam na ni Mother Lily ang pulso ng masa na kapag Pasko, klik na klik ang mga horror films at napatunayan ito ng franchise ng SRR dahil lagi itong nasa Top 3 ng mga highest grossing films tuwing Metro Manila Film Festival.

At kung matindi na ang hatid ng takot ng trailer ng SRR, puwes sa kabuuan ng pelikula,walang humpay na katatakutan ang hatid ng bawat episode gaya ng Mamanyika, Isla, at Funeraria.

Pati si Mother Lily, nung premiere night ng movie, panay ang tili sa mga eksena at nanginginig sa takot.

“Itong SRR 12 na ngang talaga ang pinaka-nakakatakot, nakagigimbal, at tatalbugan ang past Shake movies!” deklara ni Mother Lily.

Sa Mamanyika, hanep ang mga special effects ng ginamit na manyika lalo na kapag pumapangit na ito at pumapatay. Tinalbugan niya ang kaseksihan ni Shaina Magdayao dahil ayaw siguro niyang ang alindog ng young actress ang lumutang!

Lutang na lutang naman ang kahusayan ni Sid Lucero sa Funeraria episode.

Hanep ang acting niya at naka­gi­gim­bal ang kanyang hitsura. Siyempre, maging si Carla Abellana ay natangay ng husay sa arte ni Sid. Kaya ramdam na ramdam ang role ng babaeng gus­tong tuklasin ang hiwaga ng isang punerarya.

Sa Isla episode na pinagbibidahan nina Andi Eigemann at Rayver Cruz, mundo naman ng mga engkanto ang mananakot sa manonood. Sari-saring creatures ang nilikha ng Regal Entertainment, Inc. na nakakapanindig-balahibo ha!

Humanda nang matakot, magimbal, at manginig simula Dec. 25 sa pagbubukas ng regalong hatid ng Shake, Rattle & Roll 12!

ANDI EIGEMANN CARLA ABELLANA FUNERARIA METRO MANILA FILM FESTIVAL MOTHER LILY MOTHER LILY MONTEVERDE PASKO RAYVER CRUZ REGAL ENTERTAINMENT ROSELLE MONTEVERDE
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with