^

PSN Showbiz

Vic Sotto malakas ang kontrol

TAKE IT! TAKE IT! - Lolit Solis -

Sina Bong Revilla, Jr. at Vic Sotto muna ang ipina-presscon ng GMA Films noong Miyerkules.

Ang dalawa ang lead stars ng Si Agimat at Si Enteng Kabisote pero parang solo presscon ni Bossing ang nangyari dahil na-delay ang arrival ni Bong.

Straight from the senate si Bong dahil hindi niya maiwanan ang budget deliberation. Kung napaaga ang dating ni Bong, narinig sana niya ang mga papuri sa kanya ni Vic.

First time ng dalawa na magkasama sa isang malaking pelikula. Kung si Bossing ang tatanungin, gusto niyang magkatrabaho uli sila ni Bong.

* * *

Hanga ako sa self-control ni Bossing dahil kahit biniro ko siya na magpa-raffle, hindi ko siya na-convince.

Ganoon din ang biro ko kay Bossing sa presscon ng kanyang filmfest entry noong nakaraang taon pero dedma siya. Consistent talaga si Bossing.

* * *

May kuwento si Wilson Lee Flores tungkol sa lovelife ni P-Noy nang magkita kami noong Miyerkules.

Excited si Wilson habang sinasabi niya na binasted nga ni Liz Uy ang presidente ng Pilipinas. Hindi ako na-excite sa kuwento ni Wilson dahil matagal nang laman ng mga diyaryo ang naudlot na love affair ni P-Noy sa kanyang stylist.

Anim na taon na manunungkulan si P-Noy bilang pangulo ng Pilipinas. Sa ayaw niya at sa gusto, kakalkalin ng media ang mga kuwento tungkol sa kanyang lovelife.

* * *

Idinaos noong Miyerkules ang pamisa ng PAMI sa Christ The King Church para sa entertainment industry.

Dedicated ang Holy Mass para sa kapayapaan ng mga kaluluwa nina Douglas Quijano, Wyngard Tracy,  Carmen Ronda, Redford White, Palito, Charlie Davao, Bernard Bonnin, Gilbert Perez, Archie de Calma, at sa nanay ng direktor na si Jeffrey Jeturian.

Inialay rin ang misa para sa paggaling ng mga karamdaman nina William Martinez, Boots Plata at ng mga ina nina Gardo Versoza at Ed Instrella.

Nagpasalamat din ang PAMI dahil gumaling sa sakit sina Liezl Martinez, ang direktor na si Rory Quintos at ang TV executive na si Wilma Galvante.

* * *

Asking ang fans ni Jillian Ward dahil hindi ito ang co-star ni Marian Rivera sa Super Inday and The Golden Bibe.

Ang Regal Films ang produ ng Super Inday at contract star naman si Jillian ng GMA Films kaya hindi ito nakasali sa cast ng filmfest movie ni Marian.

Hindi pa huli ang lahat. Puwede pa na magkasama sa isang pelikula sina Ma­rian at Jillian kapag nagsosyo uli sa isang project ang GMA Films at Regal Films.

BERNARD BONNIN

BONG REVILLA

BOOTS PLATA

CARMEN RONDA

CHARLIE DAVAO

CHRIST THE KING CHURCH

MIYERKULES

P-NOY

REGAL FILMS

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with