_ngayon
^

PSN Showbiz

Kim sa abroad magpa-Paskong mag-isa!

- Veronica R. Samio -

For the first time in her very young life, iseselebreyt ni Kim Chiu ang Pasko hindi sa Pilipinas kundi sa isang bansa na kung saan mayroong snow. Ito ang white Christmas na maliit pa siyang bata ay pinangarap na niya pero ngayon lang siya magkakaroon ng pagkakataon na ma-experience.

Hindi pa tiyak ng young actress kung saan siya pupunta pero hindi sa Amerika o kaya ay sa Europa niya titikman ang snow kundi sa isang bansa lamang sa Asya.

“Four days lang akong mawawala, hindi naman ito isang engrandeng bakasyon kundi isang Christmas break lang. Hindi ko pa alam kung saan ako pupunta, magsu-surf pa ako sa internet. Wala akong kasama, ako lang mag-isa,” pahayag niya na ikinagulat ng marami dahil malungkot nga naman ang Pasko kung wala siyang kasama.

Fulfillment nga ito ng isang young dream pero ano namang kasiyahan ang mararamdaman niya kung nag-iisa lang siya?

But then, baka isa rin ito sa pagbabagong sinasabi ni Kim na binigyan ng ABS-CBN ng 13 episode stint sa Your Song na magsisimulang mapanood sa Disyembre 12.

Bagaman at dalawang taon na ang nakakaraan nang siya ay mag-debut at sinasabing ganap ng dalaga, parang ngayon lamang inaakala ng Kapamilya network na their baby is now a lady.

Hindi pa siya nakakapag-taping ni isang episode, ngayong linggong ito lamang siya magsisimula pero alam na niya na lahat ng episodes niya ay hahamon sa kanyang kakayahan.

Ibang Kim ang sinasabing makikita ng manonood.

Ika-anim na paglabas na ito ni Kim sa Your Song.

Ang huling teleserye niya ay sa Kung Tayo’y Magkakalayo na kung saan ay nabigyan siya ng nominasyon ng Star Awards para sa kategoryang Best Drama Actress.

Magkakasama pa rin kaya sila ni Gerald sa Your Song?

“Hindi ko pa alam, sana. Pero huwag namang drama. Puwedeng comedy, fantasy o romcom naman,” sabi ng aktres na sinasabi ng press na unti-unti nang inihihiwalay ng kanyang mother network sa kanyang ka-loveteam.

“After four years siguro naman panahon na para kami mag-grow. Maski sa pelikula ay paghihiwalayin na rin kami. Pareho kaming pinagpaplanuhan ng magkaibang pelikula na may iba ring kapareha, pero hindi ko pa alam kung anong pelikula ito at kung sino ang makakasama ko. Pero okay sa akin sina Enchong (Dee), Sam (Milby), Rayver (Cruz). Gusto ko ring makasama si Maja (Salvador),” sabi ni Kim na hindi mapilit ng press na ilahad ang tunay na dahilan ng paghihiwalay nila ni Gerald.

“Ayaw ko na siyang pag-usapan pa. ‘Yung mga death threats, wala na ‘yun, matagal na ‘yun. Mas maraming salita, mas maraming matatamaan, mas maraming maaapektuhan. Ibigay na lang natin kay Gerald ito para matapos na ang gulo,” sabi niyang malumanay pero not on the verge of tear na tulad nung una siyang humarap sa napaka-kontrobersiyal na presscon para sa kanilang pelikula ng dating ka-loveteam.

Indeed, the baby is now a lady. Hindi na kailangang pag-usapan ang nakaraan para makakuha ng mileage.

***

Isang Famas Pacman ang tema ng 58th Famas Awards na magaganap sa Disyembre 13 sa Teatro GSIS, Macapagal Ave., Pasay City. Pagkakalooban ng orihinal at kauna-unahang award giving body ang pound for pound boxing champ at Sarangani Representative Manny Pacquiao ng Millennium Achievement Award.

Isa si Manny sa magiging special awardees para sa gaganaping event na sinasabing katumbas ng Oscars. Isa ring artista ito na gumawa ng pelikula at isa sa gustong makasama ng mga Hollywood greats tulad nina Steven Seagal at Jean Claude van Damme. Ang 21 taong gulang na star ng Harry Potter na si Daniel Radcliffe ay isa sa mga tagahanga ng 8th World title holder. Ang ilan pa ay sina Sylvester Stallone, Bruce Willis, Brad Pitt at Angelina Jolie.

Ang iba pang Famas special awardees ay sina QC Mayor Herbert Bautista, Presidential Award; Dolphy, Exemplary Achievement; Sharon Cuneta, Golden Artist Award; Arturo M. Padua, Memorial Artist Award; German Moreno, Special Citation Award as an Artist for Film at Celso Ad Castillo, Achievement Award.

Ang Famas ay pinamumunuan ni Eloy Padua bilang pangulo.

ACHIEVEMENT AWARD ANGELINA JOLIE ARTURO M AWARD FAMAS KUNG PERO YOUR SONG
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with