_ngayon
^

Female TV host na sinibak malabo nang magkatrabaho

RATED A - Aster Amoyo () - September 23, 2010 - 12:00am

Ang popular at award-winning radio and TV broadcast journalist na si Korina Sanchez ay on extended leave pa rin hanggang ngayon sa kanyang radio and TV news programs bilang anchor dahil wala pang linaw kung kelan siya babalik sa ere matapos siyang mag-indefinite leave sa kanyang daily radio program sa DZMM kasama si Ted Failon, at maging sa TV news program na Bandila kung saan naman niya mga kasama sina Ces Drilon at Henry Omaga Diaz na may kinalaman sa pagtakbo sa pagka-vice president ng kanyang mister na si Sen. Mar Roxas nitong nakaraang halalan. 

Speaking of Sen. and Mrs. Mar Roxas, kasama ang mag-asawa sa biyahe ni Pres. Noynoy Aquino sa Amerika. Ito bale ang kauna-unahang state visit ng pangulo matapos niyang maupo sa Malacañang.

Ayon kay Korina, magpapaiwan sila ni Sen. Roxas sa New York kung saan sila mananatili sa loob ng tatlong linggo.

* * *

Alam mo, Salve A., kapag ako’y nasa bahay sa linggo ng gabi, hindi ko pinalalagpas ang Rated K ni Korina tulad na lamang nung nakaraang linggo kung saan ang tema ay may kinalaman sa ulan.

Sa nasabing episode namin napanood ang naging kalunus-lunos na pinagdaanan ng dating sexy star (during the ’80s) na si Vida Doria na survivor ng breast cancer.

Kung hindi marahil naging matibay ang loob ni Vida at hindi matatag ang kanyang pananampalataya sa Diyos, baka matagal na siyang bumigay pero sa kabila ng kanyang mga pinagdaanan at pinagdadaanan pa rin hanggang ngayon, nananatili siyang matatag alang-alang sa kanyang tatlong anak sa magkakaibang lalaki.

Aminado si Vida na hindi niya kagustuhan ang kanyang pagbu-bold sa mga pelikulang ginawa noon pero nagawa niya ito dahil wala siyang ibang alam na trabaho matapos siyang maglayas sa kanilang bahay dahil sa kanyang istriktong ama na isang militar. Hindi rin siya pinalad sa mga lalaking kanyang nakarelasyon.

Nang wala na siyang mapuntahan, bumalik siya sa kanilang hometown sa Tumauini, Isabela nang suma­kabilang-buhay ang kanyang ama.

Sa kabila ng mga pinagdaanan niyang unos, nananatiling positibo ang pananaw sa buhay ni Vida. Kasalukuyan siyang nagsisilbing kagawad sa isang barangay sa kanilang lugar.

Si Vida ay isa lamang sa marami nating mga sikat at kilalang personalidad noon na naghihirap ngayon.

* * *

Isang production insider ang nagkuwento sa amin kung bakit natanggal ang isang female TV host sa programang kanyang kinabibilangan dati. Sobrang pasaway daw ang female TV host na ito na akala mo ay siya ang bida sa programa. 

Ang ikinairita pa ng production staff ng programa, siniraan pa umano ang show sa halip na magpasalamat dahil sa break na ibinigay sa kanya. 

Nakarating sa top management ang naging asta ng female TV host kaya malabo umanong kunin pa ito ng major TV network na pinaglingkuran nito.

HENRY OMAGA DIAZ KANYANG KORINA KORINA SANCHEZ MAR ROXAS MRS. MAR ROXAS NEW YORK NOYNOY AQUINO RATED K VIDA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with