Marian ide-demanda!
TAKE IT! TAKE IT! - Lolit Solis () - September 11, 2010 - 12:00am

Nagkita kami kahapon ni Cristy Fermin sa shop ni Bambbi Fuentes. Nagpapa-make up si Mama Cristy dahil may interbyu siya kay Claire dela Fuente para sa Paparazzi.

Visible si Claire sa TV dahil siya ang manager ni Bela Padilla. Si Claire ang nagsasalita tungkol sa isyu ng kanyang alaga at ni Marian Rivera.

Napanood ko noong Huwebes ang phone-patch interview ni Claire sa Juicy at ang kanyang deklarasyon na idedemanda nila si Marian.

Ikinaloka ng marami ang statement ni Claire dahil matindi na raw pala ang Marian-Bela issue. Hindi lamang si Claire ang nagsasalita dahil nagpapainterbyu na rin pala si Mommy Eva Cariño, ang nanay ni Robin at lola ni Bela Padilla.

Talaga yatang parte na ng buhay ni Marian ang mga Padilla. Dahil sa isyu nila ni Bela, nauungkat uli ang name ni Karylle na isa ring Padilla!

* * *

Invited ako kagabi sa first anniversary ng PPL Entertainment ni Perry Lansigan pero hindi ako nakapunta dahil maaga akong umuwi ng bahay.

Mabilis ang panahon dahil one year na pala ang nakalilipas mula nang ipa-bless ni Perry ang kanyang opisina sa Scout area sa Quezon City. Surprise guest noon si Kris Aquino. Ewan ko lang kung nakarating uli kagabi si Kris sa event ng PPL.

Si Perry ang manager nina Dingdong Dantes, Geoff Eigenmann, Arthur Solinap, Jolina Magdangal, Gabby Eigenmann at Carl Guevara.

* * *

Natawa ako sa tamang hinala ni Jesinta Campbell na baka may kinalaman si Venus Raj sa paglalagay ng pins sa kanyang gown nang mag-compete sila sa Miss Universe noong August 23. Siney rin ni Jesinta na may mga kandidata na ninakawan ng mga gamit at credit card.

The who si Jesinta? Siya ang representative ng Australia sa Miss Universe. Si Jesinta ang ibinoto na Miss Congeniality ng kanyang mga kapwa kandidata at siya ang 3rd runner-up winner. Si Venus naman ang 4th runner-up.

In fairness kay Venus, hindi lamang siya ang napagdudahan. Pinagsususpetsahan din ni Campbell sina Miss Mexico at ang mga kandidata sa Central at South America.

Nagdeklara na si Venus na inosente siya sa bintang ni Campbell. At least, hindi nawawalan ng isyu na sasagutin si Venus! Tuloy-tuloy ang kanyang mga publicity ‘huh!

* * *

Umaani ngayon si Campbell ng mga panglalait dahil walang basehan ang kanyang ginawang pagbibintang.

Tinawag siya na loser at racist ng mga Pilipino at ng mga Mexican. May nag-comment naman na narinig niya ang interview kay Campbell pero wala raw itong binanggit na bansa. Gumawa lamang daw ng kuwento ang writer ng balita.

Kapani-paniwala ang ang komento dahil si Campbell ang Miss Congeniality. Hindi siya basta magbibitaw ng mga salita na makakasakit sa damdamin ng ibang tao.

ARTHUR SOLINAP BAMBBI FUENTES BELA PADILLA CARL GUEVARA CRISTY FERMIN DAHIL MISS CONGENIALITY MISS UNIVERSE SIYA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with