^

PSN Showbiz

Tita Midz hindi nagpagamit sa kampo ni Willie Revillame, 'What I said is true'

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

“What I said (about Willie Revillame) is true.”

Yes, pinanindigan ni Ms. Armida Siguion Reyna ang isinulat niya sa kanyang column tungkol kay Willie Revillame.

Sinubukang i-deny ng mga kampon ni Revillame ang mga sinabi ni Tita Midz pero hindi sila umubra kay Ms. Armida.

Kilalang walang bahid ng kasinungalingan ang pagkatao ni Tita Midz kaya walang kahit isa ang nagduda sa kanyang sinulat na lumabas sa kanyang column sa isang broadsheet.

Hindi rin daw pumayag na magpagamit si Tita Midz sa mga kampon ni Revillame.

“Ang gusto nila, magpa-interview siya at magsasagutan sila ni Willie sa isang show. Siyempre, hindi ganun si Tita Midz,” sabi ng super reliable source.

Dialogue pa raw ni Tita Midz : “Bakit naman ako magpapagamit?”

Sinulat ni Tita Midz sa kanyang column ang naging personal na karanasan niya sa kasinungalingan ni Revillame noong panahon na chairman siya ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

“Revillame called my son, Carlitos, to request for a meeting with me, claiming that ‘kung ako lang ito, hindi na ako makikipag-meeting kay Tita Midz, pero naaawa ako kay Gabby (Lopez).

“‘Nagpunta siya sa bahay ko, umiiyak, lumuhod at nakiusap na ako na raw ang humarap kay Tita Midz para mag-airing na uli ng show namin,’” kuwento ni Tita Midz sa kanyang kolum.

Hindi alam ni Tita Midz kung paanong naimbento ni Revillame ang nasabing kuwento na lumuhod sa harap niya ang may-ari ng ABS-CBN na si Mr. Gabby Lopez.

“And there lies Revillame’s rub, his capacity to make mountains out of molehills, to make something out of nothing, to imagine wrongs actually not committed against him and imagining thus think the world to be out against him.”

Kung sabagay sino nga bang nagsabi na nagsasabi ng totoo si Revillame?

***

Ang husay ni Richard Gutierrez.

Tumalon ng helicopter sabay sisid sa dagat sa unang episode ng Survivor Philippines : Celebrity Showdown na nagsimula ang airing noong Lunes ng gabi. “Ako ang nag-request nun. Kasi gusto kong may gawin na kakaiba,” sagot ni Richard nang uriratin kung hindi ba siya nakaramdam ng takot nang gawin niya ‘yun.

Thirty feet ang taas nang tinalon niya pero parang madaling-madali lang nagawa ni Richard.

Meron pa raw siyang ibang mga gagawin na mapapanood sa bagong season ng Survivor.

Last Monday night, sama-samang pinanood ng cast kasama si Richard ang unang episode nito sa isang bar.

Bilang suporta, dumating ang buong pamilya ni Richard - Tito Eddie and Tita Annabelle with Ruffa and Raymond na abala naman sa pagi-interview para sa Showbiz Central.

As usual, bumaha na naman ng litson.

Actually, impressive ang episode last Monday night. Kaya naman, super taas daw ang rating nito ayon sa tweet ni Ruffa kahapon.

***

Idineklara na raw persona non-grata ng Cebu City kahapon si Ms. Gloria Diaz.

Nagalit ang mga Cebuano sa dating beauty queen nang sabihin niyang hindi marunong mag-English ang mga Cebuano.

Dinenay ito ni Ms. Gloria, pero huli na. Nasaktan na ang mga Cebuano sa naunang sinabi niya.

ARMIDA SIGUION REYNA

CEBU CITY

CEBUANO

CELEBRITY SHOWDOWN

GABBY LOPEZ

GLORIA DIAZ

MIDZ

REVILLAME

TITA

TITA MIDZ

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user