^

PSN Showbiz

Ice Skates at Ice Bowling bago sa Winter Funland

-

MANILA, Philippines - Bukas na ang bagong Winter Funland sa Star City. At lahat nang pupunta, magkakaroon ng kakai­bang karanasan - ang pagpapadulas sa kanilang 68 metrong ice slide, sakay ng mga bagong ice skates sa bilis na humigit kumulang 90 kilometro ba­wat oras na sadyang ginawa para sa Winter Funland.

Sa floor area ng Winter Funland, ang mga bisi­ta ay makapaglalaro sa snow, kung saan maaari silang gumawa ng sarili nilang Snowman o kahit na anong pigura ang gusto nilang buuin mula sa snow.

Sa pagdating pa lang nila sa Winter Funland, sasa­lubungin sila ni Snowman, Snow Bob, at iba pang mga ice mascots na kararating lamang mula sa abroad.

Pinakabago pang attraction nila ay ang Ice Bowling. Iyan ang pinagkakaguluhan ngayon sa ibang bansa. Nagsimula sa Japan, ang ice bow­ling ay solong attraction sa ibang theme parks, pero isinama lamang iyan bilang bonus sa Winter Funland sa Star City.

Ang bola ay gawa sa yelo. Ang pins ay gawa rin sa yelo. Hindi lang tumutumba pero nababasag ang mga yelong pins, pero mabilis na nagagawa kaya’t tinitiyak nilang hindi sila magkukulang ng pins para sa lahat ng gustong maglaro. Ang isang yelong pin ay nabubuo sa loob lamang ng sampung minuto dahil sa lamig ng snow.

Ang Winter Funland sa Star City ay bukas na ngayon tuwing Biyernes, Sabado at Linggo, at magbubukas araw-araw simula sa Setyembre 15.

ANG WINTER FUNLAND

BIYERNES

BUKAS

FUNLAND

ICE BOWLING

IYAN

LINGGO

SNOW BOB

STAR CITY

WINTER FUNLAND

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with