^

PSN Showbiz

Dolphy at Marya na-miss ang isa't isa

-

MANILA, Philippines - Pangungunahan ni Ms. Maricel Soriano ang pagbati sa Comedy King (Dolphy) na magdiriwang ng kanyang ika-82nd birthday sa July 25.

Naging mag-ama sina Dolphy at Maricel (bilang John at Shirley) sa hit family sitcom noong ’80s na John en Marsha. Nagbida naman ang dalawa sa spin-off series nito, ang John en Shirley, labing-anim na taon matapos mag­paalam ang John en Marsha. Naging malalim ang samahan ng ‘mag-tatay’ dahil si Mang Dolphy na ang naka­gisnang ama ni Maria sa showbiz, at siya rin tina­tawag niyang ‘dad’ sa tunay na buhay.

Hindi naman naitago ng dalawang haligi ng showbiz ang pagka-miss sa isa’t isa tuwing nagkaka-kuwentuhan off-cam sa taping ng palabas.

Pang-buong pamilya ang mga kuwento at alamat na ibinabahagi sa Pidol’s Wonderland. Ang curio shop owner na si Mang Pidol ang siyang storyteller ng mga bata at tambay ng kanyang an­tique store. Ang show din ang nagsisilbing ex­tension ng bonding ng mga Quizon; sina Epi at Vandolph ang gumagananp na anak niya sa show, samantalang si Erik ang direktor ng pala­bas. Kasama rin sa sitcom ang manugang niyang si Jenny.

Mapapanood ang special birthday episode na ito ngayong Linggo (July 25), 6:30-7:30 p.m., bago mag-Talentadong Pinoy sa TV5.

COMEDY KING

DOLPHY

ERIK

KASAMA

LINGGO

MANG DOLPHY

MANG PIDOL

MARICEL SORIANO

MARSHA

TALENTADONG PINOY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with