Aktor naniniguro bago makipag-churvahan, Cell phone ng bading kinukumpiska muna
- TALONG ANONYMOUS () - July 16, 2010 - 12:00am

TRUE : Naiirita na raw si Vic Sotto sa isyu ng break-up nila ni Pia Guanio kaya hindi ito nagpapa-interview. At kahit si Pia ay tahimik pa rin hanggang ngayon dahil ayaw na nilang lumaki pa ang isyung ito.

Ngayon, dawit na si Daiana Menezes sa intri­gang ito na kaagad namang itinatanggi ng Brazilian model/actress.

 “Sino naman ang nagpauso ng tsismis na ‘yan?” text sa amin ni Sam YG na napapabalitang boyfriend ni Daiana. Parang sinakyan lang ang intri­gang ‘yun para magkaroon ng ingay ang sitcom nilang Ang Darling Kong Aswang sa TV5 pero ob­vious­ly, hindi ito type ni Bossing Vic kaya ayaw na niyang magsalita tungkol dito at kahit si Daiana ay ayaw din itong patulan.

TANONG : Totoo kayang four months na ang relasyon nina Maxene Magalona at Dominic Roco?

Hindi kaagad nasagot ni Dominic ang tanong na ‘yun at ang tanging nasabi lang niya, close sila ni Maxene at masaya sila sa kanilang friendship.

Sey naman ni Maxene, totoong si Dominic ang lalaking pinaka-close sa kanya ngayon at more than friends ang kanilang relasyon pero hindi pa raw niya masabing sila na. Hindi naman daw siya nagmamadali, pero posibleng mauwi raw ‘yun sa seryosong relasyon.

Si Dominic ang nagkumbinse kay Maxene na sumali sa indie movie nilang Rekrut na kasali sa Cinemalaya. Bukas ang gala night nito sa CCP at nangako si Maxene na dadalo para kay Dominic.

TOTOO KAYANG nag-iingat na ngayon ang ilang aktor na nagpapa-booking pa rin sa mga madadatung na bading?

Isang hunk actor na pagawa-gawa na lang ngayon ng indie movies ay patuloy pa rin sa pag-booking sa mga kakilalang bading na nadadatungan siya. Pero naloka ang isang bading nang magkita sila nitong hunk actor para matuloy ang booking sa isang hotel. Bago raw sila gumawa ng kababalaghan sa kuwarto ng hotel na ‘yun, kinumpiska daw muna ni hunk aktor ang cellphone ni bading para matiyak na hindi siya makunan ng video at wala silang sex video na kakalat, itatago raw muna nito ang cellphone ng bading na maka-churvahan at saka na lang isosoli bago sila maghiwalay. Naintindihan naman daw ni bading kaya okay lang na i-surrender muna ang cell phone bago tikman si hunk actor.

TSIKA LANG : Isa nang ganap na Kapuso si Cesar Montano dahil pumirma na ito ng exclusive contract sa GMA 7 kahapon.

Bago nagkapirmahan ay nag-taping na si Cesar sa Romana Santa, ang bagong GMA telebabad nina Aljur Abrenica at Rhian Ramos.

ALJUR ABRENICA ANG DARLING KONG ASWANG BOSSING VIC CESAR MONTANO DAIANA DAIANA MENEZES DOMINIC DOMINIC ROCO MAXENE MAXENE MAGALONA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with