Nadala, baka si Villar uli ang ikampanya, Baby James hindi na isasama sa kampanya
() - April 7, 2010 - 12:00am

MANILA, Philippines - Tapos na ang issue kina Claudine Barretto at manager ni Judy Ann Santos na si Tito Alfie Lorenzo. Niratrat ni Tito Alfie ng birada si Claudine na kesyo ginagamit-gamit ng aktres ang alaga niya. Pero kagabi, nagyakapan ang dalawa. Nag-attend si Tito Alfie ng presscon ni Claudine the other night para sa weekly drama anthology ng actress sa GMA 7 na magsisimulang mapanood sa April 10.

Say ni Tito Alfie, anak na ang turing niya kay Claudine at tatay-tatayan siya nito.

Maligaya naman si Claudine sa pagsipot ni Tito Alfie sa kanyang presscon.

Anyway, sa unang saltada ng Claudine sa Sabado, ang batikang direktor na si Laurice Guillen ang namahala ng unang episode titled Alzheimer’s. Ka-partner ni Claudine ang asawa niyang si Raymart Santiago.

* * *

Dati palang mataba ang up coming actor and Be Bench winner na si Carl Guevarra bago naging ‘perfect’ ang kanyang katawan. “I was 16 when sobrang taba ako. Hanggang kinausap na ako ng kapatid at father ko na kailangan ko na raw magpapayat,” pag-amin ni Carl na cover Men’s Health April 2010 issue.

Sa sobrang concern sa kanyang health ng kanyang parents, kinunan pa siya ng personal trainer, sabi niya sa interview kahapon na kasama rin sa article na lumabas sa Men’s Health.

Tatamad-tamad pa raw siya noong una. Pero na-realize niya kung gaano kamahal ang binabayaran ng kanyang father kaya nagsipag na rin siya.

Binanggit niya ang gym kung saan siya inalagaan ng kanyang PT at true na talagang mahal magpa-train doon. Kaya naman sineryoso na niya ang pagpapayat.

Seventeen years old na nang medyo pumayat na si Carl na balitang sinubukang ligawan si Glaiza de Castro pero nag-deny agad siya.

Dahil sa personal trainer, strict diet at disiplina sa katawan, in one year, more than 100 lbs ang nabawas sa kanya.

Pero ang isang pinaniniwalaan ni Carl, kahit mabagal ang pagpapayat niya sure naman. Siniguro rin niyang hindi siya gumamit ng artificial methods para gu­manda ang katawan.

“Naniniwala kasi ako na okay lang kahit mabagal basta sure na sure ang kalalabasan,” kuwento niya sa Men’s Health.

Anyway, accidental pala ang pagkakasali niya sa Be Bench noon. Sinamahan lang niya ang brother niya sa audition sa SM Megamall. Pero napilit na rin siyang mag-audition na ang ending, siya pa ang naging winner though pareho naman silang nakapasok ng kapatid niya sa first round.

After niya sa Be Bench, naging contract star siya ng Star Magic pero hindi rin gaanong nagtagal dahil may iba naman daw siyang gustong gawin kaya napunta siya sa GMA 7. Gusto rin daw niyang makatrabaho ang ibang artista kaya sinu­bukan niyang lumipat.

Si Perry Lansigan na ang manager niya ngayon at mukhang malaki ang future niya sa GMA 7.

Nakasama na siya sa Dear Friends kung saan naka-partner niya si Jennica Garcia na hindi pa naman daw niya gaanong kilala kaya wala siyang maisagot nang tanungin kung liligawan niya ba ang anak ni Jean Garcia.

Pero nang tanungin siya kung sino ang gusto niyang makasama sa mga Kapuso stars, si Heart Evangelista ang sagot niya.

Eh kanino siya nagagandahan?

“Kay Heart Evangelista,” sagot niya uli na obvious na type niya si Heart.

Sadly, may dyowa na si Heart, ang non-showbiz guy na si Ian Dee, kaya siguro hanggang pantasya na lang siya.

* * *

Inamin ni Kris Aquino ang tungkol sa ginawa ng anak niyang si Baby James sa kampanya nila sa Bacolod. Totoo raw nagsabi ito ng ‘Veyllar.’ 

Actually, nag-tweet siya last Monday night at sinabing nag-sorry na siya sa mga kapatid niya sa nangyari. Naintindihan naman daw siya ng mga ito dahil alam nilang 2 years old lang si Bimby (tawag ni Kris sa kanyang bunsong anak). Besides pang 10th event na raw na pinuntahan ni Baby James ang nasabing sortie kaya siguro raw ay nainis na ito at napagod.

Hindi na rin daw muna sasama si Bimby sa kampanya.

Pero nawala ang nasabing tweet ni Kris kahapon.

Hmmm, may nag-advice kaya na i-delete na yun para matapos na ang issue?

Wait, hindi naman kaya masilip ito ng Department of Labor? Meron kayang permit si Baby James na mangampanya?

ALFIE LORENZO BABY JAMES BE BENCH CLAUDINE KAYA NAMAN NIYA PERO SIYA TITO ALFIE
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with