Gimik ng fans ng sikat na loveteam, huling-huli
TAKE IT! TAKE IT! - Lolit Solis () - March 4, 2010 - 12:00am

Buking ang gimik ng fans ng isang sikat na love­team. Buking dahil mismong sila ang nag-iim­bento ng mga tsismis para mapag-usapan ang ka­nilang mga idol.

Paano nadiskubre ang katsipan ng fans? Gu­ma­gamit sila ng iba’t ibang e-mail address na pa­reho ang ISP o Internet service provider.

Hindi ginamit ng fans ang kanilang brain. Nag­mukhang malandi ang aktres na kanilang si­nusu­por­tahan dahil hindi pinag-isipan ang mga balita na ikina­kalat nila. Imbento na nga, naka­kasira pa ng image.

* * *

Kahapon ang 58th birthday ni Rudy Fernandez. Nagpamisa si Lorna Tolentino sa Heri­­tage Park at pagkatapos ng misa, nagpunta ang mga bisita sa bahay nila sa White Plains, QC para sa konting salu-salo.

Dumalaw na ako sa puntod ni Rudy noong Linggo pero umapir pa rin ako sa misa kahapon. Hin­di ko pinangarap na magtampo si Rudy sa akin dahil noong nabubuhay pa siya, hindi niya nali­limutan na tawagan ako sa telepono tuwing birth­day ko, Pasko, at Bagong Taon.

Hindi pa kasama rito ang madalas na pagtawag niya sa akin para magtanong at makibalita kapag may naririnig siya na hot showbiz news.

Naalaala ko ang huling birthday party ni Daboy sa Wack Wack Country Club. Hindi ko malilimutan ang kanyang birthday wish na kahit hindi more birth­days to come, basta magkasama pa sila ng mga kaibigan niya sa kanyang mga susu­nod na kaarawan.

Kinabukasan, pagkatapos ng party, isa-isang tinawagan ni Daboy sa cellphone ang mga bisita na dumalo para personal na magpasalamat. Hindi na natupad ang birthday wish ni Daboy dahil su­makabilang-buhay na siya, pagkalipas ng tatlong buwan.

* * *

Sumaglit ako sa presscon ni Mother Lily para sa mag-asawang Vilma Santos at Ralph Recto, pagkagaling ko sa birthday mass ni Rudy.

Matindi sa follow-up si Mother. Tawag siya nang tawag sa cellphone ko para i-remind sa akin ang pa-presscon niya sa Recto couple.

Hindi sina Vilma at Ralph ang mga huling kandidato na bibigyan ni Mother ng presscon. Knowing Mother, marami pa siyang kandidato na su­suportahan kaya siguradong makakatanggap pa ako ng sangkaterbang phone calls mula sa kanya.

* * *

Ang gandang tingnan ng wedding photos nina Ryan Eigenmann at Cathy Bordalba. Kahit hiwalay na ang kanyang mga magulang, nabuo ang pamilya ni Ryan sa araw ng kasal nila ng kanyang asawa.

Hindi lang ‘yon, umapir din sa garden wedding si Roni Rogoff, ang ex-husband ni Cherie Gil, isang ebidensiya na friends sila kahit hiwalay na.

Na-delay pala ang simula ng wedding march dahil hinintay muna na mawala ang sobrang tindi ng sikat ng araw. Masyadong mainit noong Linggo ng hapon kaya nag-worry ang lahat na baka mag-collapse ang bride na five months pregnant kapag nagmartsa siya habang tirik na tirik ang araw.

* * *

Congrats sa aking favorite singer-actress na si Sarah Geronimo dahil apat na award ang napanalunan niya sa MYX Music Awards noong Martes.

Nadagdagan na naman ng awards ni Sarah na umapir sa MYX Music Awards, ka­hit busy siya sa shooting ng pelikula nila ni Judy Ann Santos, ang Hating Magkapatid.

Hindi muna tatanggap si Sarah ng mga show sa ibang bansa dahil naka-focus ang kanyang atensyon sa mga pelikula at TV shows na gagawin niya.

BAGONG TAON BUKING CATHY BORDALBA DABOY MUSIC AWARDS RUDY SHY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with