GMA 7 willing kupkupin si Piolo
() - March 3, 2010 - 12:00am

MANILA, Philippines - Bida agad ang bagong Kapuso aktor na si Carl Guevarra. Si Carl ang Be Bench winner ng ABS-CBN. Pero hindi gaanong umangat ang career niya after ng nasabing contest. Kaya nag-decide siyang ku­ma­bilang bakod.

Guwapo naman si Carl. Kahit ang ‘pihikang’ si Isah Red, ay type siya.

Kuwento rin ni Carl na hiwalay na sila ni Daiana Menezes.

Sa paglipat niya sa GMA 7, mukhang bobongga ang career ni Carl dahil kokonti lang ang magiging kakumpetensiya niya.

First project niya bilang Kapuso ang My Stalking Heart ka-partner si Jennica Garcia and introducing ang Survivor Season 2 castaways na sina Jef Gaitan and Marvin Kiefer.

Si Mac Alejandre ang direktor ng My Stalking Heart episode for Dear Friend.

Kuwento ito ni Doris (Jennica) na sobrang thrilled dahil nagi-expect siya ng marriage proposal mula sa kanyang boyfriend na si Eric (Marvin). Pero laking gulat niya nang pagbalik ay marinig ang news na meron na itong bagong girlfriend at gusto na siya nitong hiwalayan.

Devastated pagkatapos i-dumped, gusto niyang maging sila uli ni Eric kaya she stalks him and rents a house para makapag-spy sa dating ka­relasyon at sa bago nitong girlfriend na si Nina (Jef).

Doon niya makikilala si Julio na gagampanan ni Carl who happens to be Nina’s bestfriend and secret lover. Tulad ni Doris, broken-hearted din ito dahil alam niyang attached na ang girlfriend sa iba.

Parehong gustong makabalikan ang parehong mahal, nagkasundo sila na sundan-sundan sina Eric and Nina. Gusto nilang maghiwalay ang dalawa para bumalik sa kanila.

Pero na-realize nina Doris and Julio na they miss and love each other, des­tiny brought them together at pinatunayan na love can be found when and where you least expect it ng dalawa.

Hmmm, interesting ang kuwento. Parang may hawig sa isang foreign film. Pero malakas ang kilig factor sa trailer ng My Stalking Heart na magsi­simulang mapanood sa March 7 on GMA 7.

* * *

Marami nang naiinip. Bakit daw walang programa si Piolo Pascual sa ABS-CBN except sa ASAP?

Kelan daw kaya siya magkakatrabaho?

Kaya naman willing ang GMA 7 na bigyan siya ng trabaho sakaling hindi gagalaw ang Kapamilya sa kanilang alagang aktor.

Oo may ibibigay kaming programa sa kanya,” react ni Madam Excecutive ng Kapuso Network.

Pero may movie kasing gagawin si Piolo kaya malabo sigurong mangyari yun.        (SALVE V. ASIS)

BE BENCH CARL GUEVARRA DAIANA MENEZES DEAR FRIEND DORIS AND JULIO ERIC AND NINA ISAH RED JEF GAITAN MY STALKING HEART PERO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with