Rich at Aljur break na!
- SEEN SCENE () - February 21, 2010 - 12:00am

Seen : Ang lantaran na pagde-deny ni Rich Asuncion na nagkaroon sila ng relasyon ni Aljur Abrenica. Malakas ang loob ni Rich na mag-deny dahil hiwalay na sila ni Aljur. Unpopular si Rich sa showbiz press dahil hindi totoo ang kanyang mga sinasabi.

Scene : Si Tim Yap ang pinagbibintangan na source ng mga balita tungkol sa kanyang mga celebrity friends. Pinag-iingat ang mga kaibigan niya na magkuwento sa kanya ng sikreto dahil nagbabadya itong lumabas.

Seen : Nangangarap na maging artista ang asawa ni Nonito Donaire, Jr. Sinabi ni Rachel Donaire na siya ang magiging leading lady ni Nonito kapag nag-artista ito.

Scene : Ngayon ang kasal ni Love Añover ng Unang Hirit at ng kanyang fiancee na si Jomar Lianko. Nagkakilala ang dalawa sa Friendster.

Seen : Sina Kris Aquino at Kim Atienza ang natatanging mga TV personality na kasali sa Who’s Who of the Philippines 400 list.

Scene : Ang Coconut Palace ang venue ng garden wedding sa susunod na Linggo ni Ryan Eigenmann at ng kanyang preggy girlfriend na si Cathy Bordalba.

Seen : Masaya sina Senator Jinggoy Estrada at Senator Bong Revilla dahil naabsuwelto si Phillip Salvador sa estafa case nito. Tinutulungan nina Jinggoy at Bong si Phillip para makabangon ang career nito.

Scene : Ngayong gabi ang Final Judgment ng Starstruck V sa Araneta Coliseum. Ubos na ang complimentary tickets, marami pa ang naghahanap.

ALJUR ABRENICA ANG COCONUT PALACE ARANETA COLISEUM BONG REVILLA CATHY BORDALBA FINAL JUDGMENT JINGGOY ESTRADA JOMAR LIANKO KIM ATIENZA KRIS AQUINO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with